027

25 3 0
                                    

TRESE-TRES

7:19 AM

Ace:
Hoy, mga ugok
Tangina ng mga 'to
Lapit-lapit ng mga bahay tapos walang paramdam

8:56 AM

Butch:
Gago.
Ako nga lang tao sa bahay.

9:23 AM

Ace:
Hoy, @Aeron!
Linggo ngayon
Huwag feeling busy

11:15 AM

Aeron:
Ano?

3:41 PM

Ace:
Ano balita sa inyo?

Aeron:
Anong sa inyo?

Ace:
Sa inyo ni Tav?

Aeron:
Anong mayroon?

Ace:
Hindi ba nag-uusap kayo?

Aeron:
Hindi ko naman nire-reply-an.

Ace:
Amp.
Kaya pala puro reklamo.

Aeron:
Ang daldal masiyado.

Ace:
Masiyado kang nasanay sa pagiging tahimik ni Val.

Aeron:
Kasi ayoko ng madaldal.

Ace:
Kasi hindi ka binibigyan ng oras.
Ganoon lang 'yon, tanga.
Alam na namin 'yon ni Boots.

Butch:
Tangina mo.

Ace:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Butch:
Dalawin niyo na lang ako rito sa bahay.

Aeron:
Ano ka, sinusuwerte?

Butch:
Pakyu.
Hindi ka naman VIP para kami pa ang dumalaw sa 'yo.
Hoy, oo nga pala
Kumusta na pagkausap mo sa adviser ni Aurora?
I-e-enroll mo ba?

Aeron:
Na-drop na siya sa school.
Nahihirapan lang ako ngayon dahil ayaw niya na raw pumasok.

Butch:
Nasanay kasi na nakakulong, Ron.
Igala o ilabas mo rin paminsan-minsan.
Matagal-tagal pa naman ang panibagong klase, sanayin mo na siya agad lumabas.

Aeron:
Tangina mo.
Alam ko ibig mo sabihin.
Sumisimple ka pa.

Butch:
Ang advance mo naman punyeta ka.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
DALAWIN NIYO NA KASI AKO
BURYONG BURYO NA KO RITO.

Ace:
Basta may free ice cream ako, sige lang.

Butch:
Tangina, ang yaman-yaman mo na nga nagpapalibre ka pa.

Aeron:
May pera nga, kuripot naman.

Butch:
Kuripot daw.
Puta lagi nga binibigyan ng palibreng kain si Karina. 🤡

Ace:
HAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHWHAHQH
POTANGINA NIYONG DALAWA, SIGE LANG

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon