October 16, 2022
SundayBATANG WALANG LABAN
12:03 PM
Joshan:
Hoy
Libre ba kayo ngayon?Jacksen:
Bakit?
Huwag mo sabihing mag-aaya ka ng ganitong oras?
Wala na kong pera pamasahe, gago.
Akala mo naman ang lapit na bahay ko sa inyo!Joshan:
Tanga.
Tinatanong ko lang kung free kayo ngayon.Jacksen:
Bakit ba?Taviana:
Hindi. Nagpapasama si Dad later.Joshan:
Sama ako.
Nabuburyo ako rito sa bahay.Jacksen:
HOY SAMA AKO
INIIWAN NIYO NA NAMAN AKOJoshan:
Wala ka ng pera pamasahe, 'di ba?
Malayo rin bahay mo kaya huwag ka na.Jacksen:
:)Taviana:
Huwag ka na sumama.
Hindi ka naman welcome.Jacksen:
HAHAHAHAHAHA ANO?
YABANG MO KASI, TARANTADOJoshan:
HAHAHAHAHAHAHAHA
Hindi na naman siguro nire-reply-an 'to kaya ganiyan na naman.
Parang kasalanan pa namin, e.Taviana:
Duh!
May 12 hours pa kaya, 'no!
Saka may bukas pa.Jacksen:
Tama.
May bukas pa para umasa sa wala.Taviana:
Buwiset ka talaga!Jacksen:
HOY
MAY TSISMIS PALA AKOJoshan:
Ano na naman?Jacksen:
Feeling ko lang naman.
Naalala niyo 'yong pinuri ni Wayne 'yong pinsan ni Tav.Taviana:
Pinuri, saan?Jacksen:
Hindi niyo nakita 'yon?
Sabagay, matagal-tagal na rin 'yon.Joshan:
Tungkol saan ba?Jacksen:
Hindi mo rin alam 'yon?
Hindi ba kayo nagba-backread sa GC?
Ano ba 'yan!Joshan:
Tinatamad na rin ako mag-backread minsan.
Puro away lang naman ang laman.Jacksen:
Nagtanong sa akin si Ace last time.
Hindi kaya nakakahalata na rin mga 'yon?Joshan:
Hayaan mo sila lamunin ng curiosity nila.
Basta walang maglalabas ng kahit ano.
Sa atin lang 'yon para iwas na sa gulo at makadamay.Taviana:
Pero may point din kasi si Tati.
Sa tingin mo matitigil ang isang bagay kapag lagi mo na lang pinipiling itago at hindi aminin?
Napapagod na rin ako kay Sue, sa totoo lang.
Pinipilit ko na lang sarili ko na huwag patulan o pansinin mga parinigg niya sa post o GC, o kahit saan.Jacksen:
Oo nga naman.
Baka mas lalo nga lang lumala kapag mas tumagal na ganiyan.
Ayaw mo bang maayos ang lahat?Joshan:
Hindi naman kasi ganoon 'yon kadali.
Alam mong inaasahan din ako ng parents ni Sue.
Kapag nalaman nila kung anong totoo, hindi ba mas malaking gulo 'yon?
Baka itakwil pa ko nina mama at papa.Taviana:
Gets ko naman 'yon.
Pero sa tingin mo ba, walang sikreto na matatago mo ng matagal?
Kapag nalaman ng parents niyo parehas, parehas din naman kayong malalagot.
Sige na, kailangan ko pa mag-prepare. Aalis na kami mayamaya ni Daddy.
Sana mapagisipan mo rin ng mabuti.