28th April 2022
Thursday
MGA BATANG KALYE
01:14 PM
Natalia:
Busy ba kayo sa Sunday?
Seirra:
Hulaan mo.
Tatiana:
Magkikita kami ni Leigh.
Bakit?
Natalia:
Edi wow.
Kami na lang pala ni Sei.
Jack:
Bakit?
Saan lakad niyo?
Natalia:
Naghahanap lang kasama sa arcade.
HAHAHAHAHAHA
Josh:
Sama raw kami ni Jack.
Jack:
Wow.
Wala pa nga akong sinasabi!
Seirra:
Puwede rin sa Sports Park kung sarado o maraming tao.
Holiday pa naman ng araw na 'yon.
Josh:
@Ace sama kayo.
Para marami tayo.
Ace:
Soccer field kami punta ng araw na 'yan.
Hindi kasi naglalaro si Ron ng Badminton.
Saka ang layo niyo, gago. Alangan lumayo pa kami.
Jack:
Siyempre kami ang dadayo, tanga.
Sanay naman kami mag-adjust ni Josh.
Natalia:
Sanay naman kayo magpakatanga.
Jack:
Nat.
Usapang laro lang tayo, ha?
Leighton:
Habol na lang kami kung kaya.
Message niyo na lang exact location.
Lewel:
Pass ako.
May training kami para sa liga.
Huwag na rin kayo magbakasakali kay Wayne.
Natalia:
Edi tayo na lang?
Lewel:
Huh?
Ace:
Huh?
Jack:
Huh?
Josh:
Huh?
Lewayne:
Huh?
Leighton:
Hah!
Tatiana:
HUH?
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA 😭
Josh:
Parang iba na yata 'yan, Nat.
Natalia:
Huh?
Wait.
I mean tayo-tayo na lang ba ang pupunta?
Dudumi naman ng utak niyo!
Seirra:
Kung sino na lang gustong sumama.
Huwag na mamilit ng ayaw.
Taviana:
Kahit gusto ko, hindi puwede dahil kasama ko si Dad.
Alam niyo naman na magkaiba kami ng sports.
Josh:
Oo nga pala.
