123

12 3 0
                                    

Joshan
joshmlgr

03:41 PM

Joshan:
Hoy, babae
Gusto mong lumabas?

03:55 PM

Taviana:
Saan punta?

Joshan:
Tagal mo mag-reply.

Taviana:
Tanga. Gumagawa ako ng icing, 'di ba?
Saan ba punta?

Joshan:
Kahit saan mo gusto.
Hindi 'yong sinusubsob mo sarili mo riyan.

Taviana:
Mag-aaya ka tapos kahit saan.
Siraulo ka yata.
Saka magtatampo si Jack
Hindi mo na naman ata inaya.

Joshan:
Inaya ko 'yon
Busy raw siya
Dami yatang plates na ginagawa.

Taviana:
Pero curious lang
Bakit bigla ka nag-aya?
Dahil kay Sue, ano?
Pag-iinitan na naman ako no'n

Joshan:
Hayaan mo siya mag-isip ng kung ano-ano.
Saka parang 'di mo naman alam kung ano sitwasyon namin.
Kaya lang naman ako malapit sa kaniya dahil sa request ng parents niya at sa pagiging close ng pamilya namin.
Hindi ko na rin masura pag-uugali niya.

Taviana:
Ewan ko rin kasi sa 'yo
Bakit mo pa kasi pinagtatakpan kung puwede mo naman sabihin na lang.
Sa paraan pa na 'yon, baka magawa niyang tumino.

Joshan:
Edi sina mama at dada naman nagalit?
Alam mo naman mga 'yon.
Madadamay ka na naman.

Taviana:
And so?
Anong gusto mo?
Magdusa ka na lang sa ganiyang paraan hangga't nabubuhay parents niyo?

Joshan:
Bahala na.
Ano?
G ka ba?

Taviana:
Keri mo sa Tagaytay?
Picnic Groove tayo.

Joshan:
Ayan din naisip ko HAHAHAHAHA
Half hours lang naman 'yon
Sunduin kita ng 5pm

Taviana:
K.

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon