036

37 4 0
                                        

6th February 2022
Sunday, 4:27 PM

TRESE-TRES

Butch:
Ngayon ko lang nakita 'yong message sa Batang Kalye.
Anong nangyari roon kay Sue at bakit bigla na naman nang-away?

Ace:
Ewan ko rin.
Nagulat nga lang din ako sa message ni Tati.

Butch:
Edi sina Jack, Josh, at Tav pala talaga ang pasimuno sa GC doon?

Ace:
Parang nga.
Mukha bang alam ko rin?
Clueless din naman ako sa nangyari sa kanila noon.
Basta ang nadatnan ko na sitwasyon nila, parang malaki ang galit ni Sue.
Nagtanong nga ako kay Tati dati, hindi niya rin alam dahilan ni Sue.

Butch:
Kamo nagkuwento si Tav sa 'yo dati?

Ace:
Oo nga.
Pero 'yong sa kanila lang naman ni Ryner na nag-leave sa GC ang sinabi niya.
Hindi ko nga rin alam na kasama pala 'yon sa bumuo kasi hindi naman 'yon gaano lumalapag.

Aeron:
How can you stay in a toxic group?
Sinisira lang ng ganiyang samahan utak niyo.

Ace:
Hindi naman kasi ganiyan kataas ang tension dati.
Basta na lang siyang lumala habang patagal.

Aeron:
Pero hindi ba kayo nagtataka kung saan nanggagaling galit no'ng Sue?
Kada napapasilip ako, puro accusation ang laman ng message niya.

Butch:
Nagtataka rin naman.
Pero siyempre, sino ba kami para makialam?
Kung si Ace nga na nauna sila nakilala walang alam din, paano pa ako?

Aeron:
Napapansin ko lang din kasi na masiyadong pinagtatakpan 'yang Taviana. Kaya nagiging sarado ang isip niyo na pakinggan 'yong isa. At baka sobrang invested lang kayo sa kaniya kaya hindi niyo matanggap sinasabi ng isa.

Yellow TraitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon