November 23, 2022
Wednesday
Valerie
valentinashariella
02:13 PM
Valerie:
Cous, puwede ba ako magtanong sa 'yo?
02:25 PM
Taviana:
Sorry late response.
Oo naman, bakit?
Saka bakit minessage mo pa ko kung puwede mo naman ako akyatin.
Valerie:
Baka kasi busy ka.
Nakakahiya naman kung bigla akong kumatok sa pinto mo.
Alam ko rin naman na may business kang inaasikaso.
Taviana:
Sa susunod, katukin mo na lang ako.
Wala naman nakakahiya roon, okay?
Ano ba ang itatanong mo?
Valerie:
May point ka naman hahahaha
Pero nahihiya rin ako tanungin ng personal.
I mean, nasabi ko naman na sa 'yo before
That Aeron and I had a past, right?
Taviana:
If it is about what you said that day, don't worry I never said anything to my friends.
Valerie:
No.
It's not that.
Uhm, close ba kayo ni Aeron?
Since he was added to the old GC, baka naman nagkausap na kayo before...
I mean nagbabakasakali lang naman ako.
Taviana:
Oh.
Tbh, we never talked to each other.
Oh, I'm such an idiot. /erase/
Siguro may small interaction lang
Ang sungit kaya ng lalaking 'yon /erase/
Paano mo ba nakuha 'yon? /erase/
02:39 PM
Valerie:
Are you waiting for my reply?
I thought may sasabihin ka pa kasi ang haba ng typing mo kanina.
Taviana:
Wala na.
How I wish I could send them to you. /erase/
It's probably an app bug.
Valerie:
Oo nga.
Sorry, sorry.
Pero sayang naman kung ganoon.
Taviana:
Bakit mo pala naitanong?
Valerie:
Gusto ko lang kasi sana kumustahin siya.
I know I am somehow close to Ace.
But you know, some things change due to circumstances.
Alam mo, mahal na mahal no'n si Aeron.
Kaya nga siguro grabe na ang galit sa akin noon.
Or maybe until now.
Taviana:
I see.
That is why.
Valerie:
That is why, what?
Taviana:
Walaaaa.
Bakit mo nasabi na hanggang ngayon?
Valerie:
Hindi naman kasi nakakataka kung bakit.
Sa bigla ba naman na pang-iiwan ko, sigurado sinusumpa na ko ng mga 'yon.
Noong mga panahon pa naman na 'yon, he was struggling with his family.
You know, the pressure and responsibility. Plus, he was always controlled by his mother that time to the point hindi niya na nagawa makapasok sa dream university at mapag-aralan 'yong dream program niya.
Kaya nga ngayon, grabe niya alagaan ang kapatid niya kasi iniisip niya na sila lang dalawa ang magkasama sa buhay.
And it's my fault that I still chose to leave him even if I know he's at the edge of quitting his life.
Taviana:
Quitting his life?
Valerie:
He almost forget to live normally, as what I heard noong palipat-lipat ako ng bahay.
Inaabuso niya na raw 'yong sarili niya sa mga bagay-bagay. Lalo sa pagtatrabaho.
Taviana:
Oh.
So what's your plan?
Valerie:
Puwede mo ba siyang kausapin para sa akin, kung ganoon?
Kahit bilang pinsan mo?
Please?
Kumustahin mo lang siya araw-araw...
Taviana:
I'm sorry, Val. I can't assure you that.
I mean I can do your favor, but don't you think that's too suspicious in his part?
Besides that, I don't want to meddle or interfere your relationship with him.
So if you think you need a talk with him or you want to talk to him, just be brave enough to the consequences you might get.
After all, kayong dalawa lang naman ang makakaayos ng bagay na hindi niyo naayos noon kasi kayo lang ang nakakakilala sa isa't isa.
