December 27, 2022
Tuesday
Ace Martinez
imacemartinez
11:13 AM
Ace:
Hoy
May tanong ako
Taviana:
Ano?
Ace:
Sa 'yo ba pinagawa ni Aeron 'yong binigay niya sa kapatid niya?
Taviana:
Alin?
'Yong bouquet?
Oo. Bakit?
Ace:
HAHAHAHAHAHAHAHAHA
KAYA PALA AYAW SABIHIN NG GAGO
Taviana:
Ayaw sabihin ang alin?
Ace:
Kung saan niya pina-order.
Taviana:
Gago
Tsismoso ka lang talaga kamo
Ace:
Sus
Naalala ko pa 'yong huli tayong gumala
Halata masiyado sa 'yo na umiiwas ka
Taviana:
Anong gusto mo?
Kahit rejected ako, dumikit-dikit ako sa kaniya???
Saka hello, ayon nga first time na nakita ko siya sa personal, duh!
Ace:
Paano kung hindi ka ni-reject?
Taviana:
HUWAG MO NA IPILIT
KUKUTUSAN KITA!!!
TINIGILAN NA KO NO TATI
IKAW NAMAN PUMALIT!!!
Ace:
HAHAHAHAHAAHAHHAAHA
Hindi nga?
Seryosong tanong.
Taviana:
Maybe still no.
Ace:
At bakit?
Taviana:
Mata pa lang ng kapatid, nakakatakot na.
Sa chats pa nga lang, nagtataray na! 🙄
Ace:
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Ayaw pa naman no'n sinasabihan ng mataray
Taviana:
Seryoso?
Ace:
Oo.
Wala kang laban sa batang 'yon.
Taviana:
May pinagmanahan ba naman
Pero teka nga!
Bakit ba natin pinag-uusapan?
TIGILAN NIYO KO SA KANIYA, OK?
I'M IN A MOVING ON PHASE
Ace:
Paano kung sabihin ko sa 'yo na ilang beses ko siyang mahuli na nagte-tempt i-message ka?
Taviana:
Gago.
Huwag kang ganiyan
Ayoko ng umasa, Ace
Please lang
Ace:
Bakit kita bibiruin sa ganitong bagay?
Tignan mo
One of these days
May message kang matatanggap.
Taviana:
Kalokohan
Bahala ka na nga riyan
May gagawin pa ko
