Nililipad ang isip niya dahil sa hinanakit na nararamdaman para sa kakambal. Isama pa ag panghihina ng buo niyang katawan na pakiramdam niya ay magkakapirapiraso kapag may hahawak pa sa kanya.
"Ugh!" Napangiwi siya kahit na hindi naman mabigat ang pagkakadiin ng lota sa oitment sa balat niya. "Tama na yan Lota." Pigil niya dito. "Hindi ko na iyan kailangan."
"Pero Luna.." napatitig pa ito sa kanya. Hindi man ito magsalita at sabihin na naawa na ito sa kalagayan niya ay hindi iyon maitatago sa mga mata nito. "Mas mapapadali ang paggaling ng mga pasa niyo kapag nilagyan ng gamot, Luna."
Umiling siya.
"Para saan pa, Lota? From now on.. I don't need that."
"Pero.."
"Iwan mo na ako, Lota. Mas gusto ko ngayon ang magpahinga." Muli ay pagtataboy niya sa lota.
Hindi agad kumilos ang Lota na nagdadalawang isip kung iiwan ba siya nito hindi.
"Kung ganun, inumin mo na muna ang inyong gamot, Luna."
"Iinumin ko iyan maya-maya lang, Lota. For now, I just want to close my eyes." Mahina niyang tugon.
Muli siyang bumalik sa kama at nahiga doon. Ipinikit ang mga mata kahit na hindi naman makatulog. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakapikit.
Pakiramdam niya ay tinatangay sa kung saan ang buong pagkatao niya. Walang ibang laman ang isip niya maliban sa kung paano tumakas sa empyernong kinalulugmukan niya. Takasan ang lahat. Lumayo. At wala ng ibang iisipin pa maliban sa sarili niya.
Malalim na paghinga ang pinakawalan niya. Sa pagkakapikit niya ay hindi niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha.
Ilang araw na ba? Isang buwan at isang linggo na siyang naghihirap sa kamay ng hari. At isang linggo na ding nasa loob ng palasyo ang kanyang kambal na laging ipinaparamdam sa kanya na walang silbi ang ginawa niyang pagsasakripisyo para dito.
"What a waste." Bulong niya habang nakapikit. Pinahid ang mga luha bago ipinatong ang kamay sa nuo.
Nakapikit parin siya ng maramdaman niyang may ibang tao sa loob ng silid. Hindi niya inabalang imulat ang mga mata dahil wala naman ibang papasok sa silid na iyon ng hari ng walang ingay maliban dito.
"Tidy up yourself, Omega."
Nagpakawala na naman siya ng marahas na paghinga bago bumangon sa pagkakahiga. Hindi na siya sumagot dito. Lumapit naman sa kanya ang lota at ibinigay sa kanya ang isusuot. Simpleng thobe lang iyon kaya napatingin siya sa hari.
"Magpapakilala ka sa lahat at sasabihin binibisita mo ang kapatid mo."
Hinayaan na lang niyang magsalita ang hari. Wala naman siyang masasabi doon. At kahit ayaw niyang makiharap sa mga bisita nito ay wala naman din siyang magagawa. Kumilos na siya para magbihis at walang salitang sumunod sa hari pagkatapos.
"So, ikaw ang kambal ng asawa ng kamahalan."
Napalingon siya sa nagsalita. Hindi niya kilala ito pero alam niyang isa ito sa mga prinsipe na pinsan ng hari. Abala siya sa pagsasalin ng tsaa. Nasa maluwang na salun sila. Kasama ang hari at ang kanyang kakambal. Kasama din nila ngayon ang dating hari na lolo nila ng prinsipeng lumapit sa kanya.
"Yes, prince..."
"Nasir. My name is Nasir and you are?"
"Yes, Prince Nasir." Sagot niya na hindi tinugon ang pagpapakilala nito.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023