Pakiramdam niya ay kagagaling lamang niya sa hukay sa bigat ng pakiramdam niya. Kay bigat ng mga talukap ng kanyang mga mata na muling napapikit ng masilaw siya sa liwanag na bumungad sa kanya.
Sinubukan din niyang igalaw ang mga kamay pero hindi din niya iyon kaya dahil pakiramdam niya naparalisa na ang buong katawan niya.
Ano ba ang nangyari sa kanya? Bakit tila pakiramdam niya ay kagigising lang siya sa matagal na pagkakahimlay.
"Gising ka na." Boses iyon ni Karrim kaya pinilit niyang imulat muli ang kanyang mga mata. "And welcome back to life, bastard."
"Ugh." Napangiwi siya ng maramdaman ang pagdapo ng kamao nito sa dibdib niya. "Fucking shit. You are fucking killing me." Gigil na naikuyom niya ang kamao na napatingin na dito ng mabakawi siya.
"Yeah! You almost died." Sabi na nito sa seryusong tinig.
"Anong nangyari?" Kuway tanong niya ng makahuma sa pagkirot ng dibdib niya. "Ilang oras akong nawalan ng malay." Dagdag tanong pa niya. "Nasaan si Ishan. Ang anak namin?" Magkakasunod na niyang tanong na muling maramdaman ang sakit ng maalala kung paano kinitil ang buhay ng anak nila ni Ishan.
"Labing apat na araw kang walang malay." Sagot ni Karrim sa unang tanong niya. "About Ishan, nasa palasyo siya pero halos wala na ding ganang mabuhay. And about the baby. They cremate your baby's body."
Natigilan siya sa huling sinabi nito. Nanggagalaiting nais punatahan ang kanilang lolo.
"Damn it. Where is Lolo?"
"Magpalakas ka muna bago mo harapin ang lolo. Nasa kanyang palasyo siya ngayon. Suffering from arm fracture. At magpagaling ka dahil naghihintay parin sayo ang iyong trono. At ang batas ng lolo ay tuluyan ng nabago."
Marahas ang naging paglunok niya nagtangis ang bagang na naikuyom ang kamao. "Ano pang silbi ng batas na iyan kung hindi nailigtas ang anak ko. Hindi ko mapapatawad ang lolo."
"I said calm down, Zarim. Hindi makakatulong iyan sa pagbawi mo ng lakas." Galit na sita nito sa kanya.
Pero paano siya hihinahon? Paano siya kakalma? Kung paulit ulit na tinatarakan ng kung ano ang puso niya kapag naalala kung paano nila pinatay ang anak niya.
"Wala akong pakialam sa trono na iyan. Sana hinayaan mo na lang akong patayin ang lolo kahit na habang buhay ko iyong ikakabilanggo o patawan ng kamatayan. Hindi mo na sana ako pinigilan pa." Galit na sumbat ni Zarim kay Karrim na ikinatigil naman ng isa.
"Alam mong hindi ko hahayaang dungisan mo ang kamay mo sa pagpatay kay Lolo. Hayaan natin siyang konsensyahin siya sa mga mali niyang pamamalakad noon sa kaharian. At hindi nababagay sayo ang maikulong sa madilim na kulungang iyon tulad ng kay Nasir. At alam kong kaya mong lagpasan ang mga ito at ipagpatuloy ang magandang nasimulan mo na para sa buong kaharian." Mahabang saad ni Karrim para muling maliwanagan si Zarim sa pagkabalot ng puot sa buong pagkatao dahil sa nangyari sa anak nila ni Ishan. "At kahit na napatay mo ang lolo ng araw na iyon ay hindi parin babalik ang buhay ng iyong anak, kaya para saan pa para ilagay sa iyong kamay ang kaparusahan nais mong ipataw kay lolo?"
Hindi naman ito masisisi ni Karrim kung balutin man ito ng pagkapuot dahil kung ito man siguro ang nasa kalagayan ni Zarim ay baka nga mas malala pa ang nagawa niya at nakakulong na siya sa madilim na piitang iyon.
Hindi parin mapigilan ni Zarim ang pag alpas ng galit niya. Kung nakakagalaw lang siya ng maayos ngayon ay talagang pupuntahan niya ang kanyang lolo ipapamukha dito ang lahat ng mga maling pamamalakad nito.
"Damn." Gigil na muling naikuyom ni Zarim ang mga kamao. "Kung sana hindi ako nagpakampante ng mga araw na iyon hindi sana mawawala ang anak ko." Galit na turan na may namuong luha sa mga mata pero hindi niya iyon hinayaang malalag.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
