Mabilis na nilisan ni Nasir ang kanyang palasyo ng hindi makauwi sa tamang oras ang lahat ng mga inutusan niyang pumunta sa palasyo ng hari.
Kasama ang lahat ng mga likha niya at mga rogues na nakatakas sa kulungan sa palasyo ng Hari.
Napadpad sila sa gubat kung saan malayo sa sakop ng kaharian. Doon sila gumawa ng kuta at namalagi.
Hindi lang naman ang kagubatan ng Sapiro ang gubat na nakapalibot sa kaharian at hindi sila basta agad matatagpuan. Kaya kahit alam niyang matutunton parin sila ng hari sa kagubatan ng Sapiro ay makakasiguro siyang bago matunton ng hari ang pinaglunggahan nila ay malawak na ang hukbong nabuo niya. At kaya na nilang tapatan ang hukbo ng Hari.
"Pagbutihin pa ang inyong pagsasanay." May galit na malakas na sabi niya sa mga rogues at theta na ngayon ay nakaluhod sa kanyang harapan. "Hindi ko kayo itinakas sa kulungan o ginawa para lang magsaya. Nandito tayo ngayon para sa pag agaw ng trono sa Hari. At kapag nangyari iyon. Magiging atin ang buong kaharian."
"Awoooooooh. Mabuhay ang prinsipe." Sabi ng isang rouge na Alpha na namuno sa pagsugod sa bayan at nagtagumpayan naman nito ang misyong ipinahawak niya dito.
"Awoooooh." Kasunod ng alulong nito ay sinundan ng alulong ng ibang kasapi ng hukbo.
Nanlilisik ang mga matang taas ang gilid ng labi sa ngising nakapaskil sa kanyang mga labi. Nilamon ng pagkaganid ang kanyang puso. Para sa kanya ay dapat siya lamang ang nangunguna. Siya dapat ang sinasamba ng lahat hindi ang Hari na siyang nakaupo ngayon sa trono.
Hindi niya binigyan pansin na ang ginagawa ay malaking kasalanan sa kanilang lahi. Pero kung magtatagumpay naman siya sa mga balak ay wala ng sino man ang makakakita ng mga mali niyang iyon dahil siya na ang magiging batas sa lahat.
"Awoooooh." Siya naman ngayon ang umalulong na sinundan ulit ng kanyang hukbo. At napuno ang kagubatan ng Sapiro na alulong ng mga taong Lobo.
Sa kabilang dako ay hindi tumigil at nagpapatuloy parin ang hukbo ng Hari para tugisin at huliin si Prinsipe Nasir.
May ilan siyang mga inutusan na galugarin ang lahat ng nakapalibot na kagubatan sa loob o labas man ng kaharian.
Hindi siya titigil hanggat hindi niya ito nahuhuli.
"Wala ng palatandaan na nandito sa sakop ng kaharian ang prinsipe, your Majesty." Balita ng kanyang Beta.
"Walang titigil sa paghahanap. Papasaan ba't masusukal din natin ang prinsipe." Matatag na sabi dito.
"Yes, your Majesty. Patuloy parin ang paghahanap ang mga nautusan."
"Pero huwag niyong hayaang humina ang bantay sa palasyo. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyaring panghihimasok."
"Yes, your Majesty." Muli ay magalang ng sagot ng kanyang Beta. Hinarap ng kanyang beta ang mga epsilon at pinamunuhan ang pagbibigay ng plano kung ano ang nararapat at magandang gawin para mapadali ang paghahanap kay Prinsipe Nasir habang napapanatili nila ang tatag ng bantay sa palasyo.
Hindi niya akalain na lalagpas si Nasir sa puntong gagawa ito ng malaking kasalan sa kanilang lahi sa hangad nitong maupo sa tronong kinaluluklukan niya ngayon.
"Damn you, Nasir. Where the hell are you?" Naibulong niya habang kuyom na naman ang kanyang kamao at nanggagalaiti sa galit.
"Go. Go. Go." Ang isa sa Deltang namuno sa isang pangkat na naatasang galugarin ang kagupatan ng Sapiro. Limang pangkat ang pinaghati hati ng kanyang beta para sa limang kagubatan sa labas at malayo sa kaharian.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
