GPS SIDE STORY VI: SEVEN

7.3K 308 24
                                        

Tumaas ang sulok ng kanyang labi habang nagngangalit na naman ang kanyang ngipin.

Nakatingin siya sa nakahandusay na si Ishan. Ang kanyang asawa na katatapos lang sa marahas niyang pag-angkin.

Sa pagpapahirap niya dito ay nanatiling tikom parin ang bibig nito at ayaw sabihin ang dahilan kung bakit siya nito nilinlang.

Kahit na alam na niya ang dahilan nito dahil sa inutusan ay gusto niyang manggaling mula rito ang katotohanan. Baka sakali sa pagsasabi nito ng totoo ay mabawasan ang galit na nararamdaman niya sa panlilinlang nito sa kanya.

"Damn you, Omega. Who are you?" Tanong niya hindi dahil kung sino ito kundi sino ito bakit iba ang epekto nito sa kanya.

Marahas ang pinakawalan niyang paghinga bago humakbang palabas ng balkonahe ng kanyang silid at nagsindi ng sigarilyo.

Sa balkonahe ng kanyang silid ay tanaw ng kanyang paningin ang lawak ng lupain kung saan nakatayo ang palasyo. Lupaing siya na mismo ang namamahala, kung saan naninirahan ang halos lahat ng pangkat ng mga lahi nila na ngayon ay kanya ng pinamumunuan.

Kung hindi umalis ang pinsan niyang si Karrim ay baka ito ngayon ang nasa katayuan niya. Siya naman sana ngayon ang malaya at nagagawa ang lahat ng gustuhin niya. Hindi sana siya nalinlangan ng lalaking Omega na ngayon ay kanya ng asawa.

Sa pagbuga niya ng usok ay kasabay ng pagpapakawala na naman niya ng marahas na hangin sa baga dahil sa damdaming hindi niya mapangalanan na namumuo na sa kanyang puso.

Ilang minuto din siyang nagpalipas ng oras sa balkonahe bago nagpasyang pumasok sa loob.

Natigil ang paghakbang niyang papasok ng makita ang kanyang asawa na nakaupo na ngayon sa sahig kung saan kanina ito nakahilata. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagngiwi nito habang sapo ang balakang. Nanginginig ang kamay na pinulot ang roba nito at ibinalabal na sa katawan na sinubukang tumayo sa kinalulugmukan.

"Matibay din ang katawan mo, Omega." Seryusong sabi niya dito na nakapagpatingala sa kanyang asawa para tignan siya.

Wala siyang ibang mabasang imosyon mula sa mga mata nito maliban sa blangkong ekspresyon.

"Isa ba iyang papuri, kamahalan?" Mahinang boses na tanong nito na halos hindi na marinig kung hindi lamang matalas ang pandinig niya.

Matamang nakatingin lamang siya sa kanyang asawa na nanginginig sa pagtayo habang nakasuporta ang mga kamay sa balakang nito.

"Sa tingin mo, Omega?" Balik tanong niya sa asawa at nagsimula ng humakbang palapit dito.

Ng makalapit siya dito ay mahigpit na hinawakan niya ito sa leeg. Sinakal na naman niya ang kanyang asawa. Bahagyang itinaas ang kamay sa pagkakasakal dito kaya napatingkad ito.

"K-kamahalan. D-do y-you w-want to have sex again." Nahihirapang tanong nito dahil sa pagkakasakal niya.

Sa tanong na iyon ng kanyang asawa ay sinabayan ng pagpapalabas ng pheromones nito.

Nagngalit na naman ang mga kanyang ngipin, humigpit ang pagkakasakal niya sa leeg nito pero hindi dahil sa hindi niya nagustuhan ang amoy ng pheromones nito kundi dahil nanuot na naman sa pang-amoy niya ang kakaibang halimuyak ng pheromones nito.

Kakaiba ang dating sa pang-amoy niya ang pheromones ng kanyang asawa. Hindi tulad ng pheromones ng lalaking Omega na kinuha ng kanyang beta kanina na para siyang masusuka sa pagkadisgusto ng maamoy iyon.

Napapikit siya. Nilanghap ang mahalimuyak na aroma ng pheromones ng kanyang asawa.

"Are you seducing me now, Omega?" Tanong niya dito na inilipat ang pagkakasakal sa pag hawak ng mahigpit sa batok nito.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon