GPS SIDE STORY VI: TWENTY-SEVEN

5.1K 316 44
                                    

Nagulat siya ng bigla na lang may inipit na bulaklak sa tainga niya habang nasa maluwang na hardin siya ng palasyo.

Mapapangiti na sana siya pero ng makitang ang hari ang naglagay na bulaklak sa kanya ay matalim lang ang tinging ipinukol dito.

Aalisin na sana niya iyon sa tainga niya ng pigilan nito ang kamay niya.

"Looks good on you." Sabi pa nito na may ngiti sa mga labi.

Inirapan niya ito. Hindi niya matagalan ang makita itong nakangiti lalo na at hindi iyon ang pagkakakilala niya dito.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" May galit na tanong niya dito. Hindi na niya itinago ang galit dito. Hindi na din niya ito ginagalang na isang hari dahil para sa kanya ay hindi ito dapat igalang dahil sa masama ang ugali nito.

"Hindi ko ba pwedeng lambingin ang asawa ko?" Sagot naman nito na hindi pinansin ang galit na ipinapakita niya dito.

"Cut the crap. Hindi bagay sayo. At kailanman ay hindi mo ako naging asawa. At hindi magiging asawa."

"You say so. Pero may kasulatan na nagpapatunay na asawa kita. Kaya sa salita mo lang masasabing hindi mo ako asawa dahil sa mata ng lahat na nasa kaharian ay asawa kita."

Natahimik siya dahil wala siyang alam na dapat pang isagot dito.

"Malakas lang ang loob mong sabihin iyan dahil isa kang hari. Pero kahit na anong gawin mo ngayon ay hindi mo mabubura sa puso't isipan ko ang mga panahong naghirap ako sa mga kamay mo. At kahit na paulit ulit mo man akong angkinin ay hindi ako susunod sayo. Hinding hindi ko makakalimutan ang kademonyuhan mo." Galit na sumbat niya dito.

Marahas na hinablot ang inipit nitong bulaklak sa tainga niya saka niya itinapon iyon mismo sa mukha nito.

"Tsk." Naipinid nito ang labi at naipilig ang ulo para hindi nito masabayan ang galit niya. Nakita niya kung paano ito magtimpi na huwag magalit sa kanya. "Alam ko, kaya habang may panahon pa ako para itama ang mga iyon at tapunan ng magandang alaala ay gagawin ko ang lahat para lamang tuluyang mawala ang galit at pagkamuhi na nananahan dyan sa puso mo." Saka ito sinabayan ng paglabas ng pheromones nito na gustong iparamdam na malinis na ang intensyon nito sa paghahanap sa kanya. Na totoo lahat ngayon ng ipininapakita nitong pagpapababang loob sa kanya.

Napaatras naman siya palayo dito dahil sa pagkaramdam ng pheromones nito. "Magsawa kang gamitan ako ng pheromones mo. Malulong man ako diyan ay hindi maaalis niyan ang katotohanang mamumuhi parin ako kapag wala ng epekto iyan sa akin." Sabi niya na nabawasan ang tigas ng tinig niya dahil nga sa epekto ng pheromones nito sa kanya.

Hindi naman nakakatakot ang aura nun kundi nagpaparamdam nga sa kanya ng kaginhawaan. Nagpapahiwatig ng siguridad na hindi siya nito sasaktan.

"Hmmm." Napasinghap siya. Naikuyom ang kamao bago mabilis na tumalikod dito. Lalayo na siya dito habang hindi pa malakas ang epekto ng pheromones nito at kaya pa niyang indain iyon na hindi matatangay doon.

Tinakbuhan niya ang hari. Hindi na niya nilingon pa ito dahil ramdam niya sa sarili na kapag ginawa niya iyon ay mawala ang harang na ginawa para lamang hindi mahuhulog sa bitag nito na hindi itinatago sa kanya.




Marahas na napalingon si Zarim ng makarinig siya ng palakpak sa likuran niya matapos siyang takbuhan ni Ishan.

"Mukhang mahihirapan ka sa isang iyon. Tsk."

"Shut up. Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang." Naiinis na sita niya dito na tinawanan lamang nito at hindi pinansin ang pagkairita niya.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon