GPS SIDE STORY VI: TWENTY-EIGHT

4.5K 283 61
                                    

Maagang nagising si Zarim kinaumagahan na nasa tabi niya ang kanyang asawa. Nakaunan ito sa braso niya at nakayakap ito sa kanya.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagkakatulog ng kanyang asawa.

"Kay gandang pagmasdan." Naibulong niya na dinapian ito ng halik sa nuo.

Napakaamo ng mukha nito. Parang hindi ito murunong magalit kapag nakapikit pero hindi maitatago sa kislap ng mga mata nito ang galit na iyon kapag nakatingin ito sa kanya.

"Hayaan mo akong puunan ang mga kasalanan ko sayo, habibi." Kausap niya dito kahit na alam naman niyang hindi maririnig nito sa himbing ng tulog. "At gagawin ko ang makakaya ko para lamang hindi mawala sa atin ang dinadala mo."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Iwinaksi na muna niya ang bagay na iyon na muli itong pinagmasdan.

Habang marahang humahaplos ang palad niya sa pisngi nito ay bahagya itong gumalaw at nagsumiksik pa sa katawan niya.

Muli siyang napangiti. Kahit man lang sa ganitong pagtulog niya ay maramdaman niya ang hindi nito pag iwas sa kanya.

"Umaasa ako na balang araw ay hindi mo na ako iwasan kapag gising ka. Sa ngayon ay susulitin ko ang pagkakataong ito na maramdaman ang init ng katawan mo sa katawan ko ng walang pag iwas habang tulog ka."

Niyakap niya ito. Yakap na may siguridad. Ilang minuto din niyang niyakap ito bago nagpasyang pakawalan ito.

Ayaw pa sana niyang tumayo at iwan ito pero may mga bagay pa silang pag usapan ni Karrim tungkol sa mga dapat gawin kapag bumalik na siya sa kaharian.

"Sleep tight, habibi." Muli niyang dinampian ito ng halik. Halik sa mga labi.

Marahan siyang bumaba ng kama. Inayos ang kumot na tumatabing sa katawan nito.

"Sleep tight, Habibi."

Maingat na lumabas siya ng silid para hindi ito magising. Tinalunton pasilyo hanggang sa marating ang opisina ni Karrim sa palasyo at doon nila pinag-planuhan ang mga bagay na pwede nilang gawin sa mga posibleng mangyari sa gagawin niya.




Naalimpungatan si Ishan sa mabining tunog ng baril sa kung saan. Naging antukin na siya simula ng hindi na siya pumapasok sa iron wolf. At sa paglipas ng araw ay nararamdaman na din niyang bumibigat na ang pakiramdam niya.

Lumalaki at pansin na ang unbok ng tiyan niya.

Apat na buwan na lang ang hihintayin niya at maisisilang na niya ang anak niya. Pero nag aalala siya dahil narin sa mga nasabi sa kanya ni Zarim tungkol sa pwedeng mangyari sa dinadala niya.

Naisip niya na muling lumayo habang may oras pa pero sinabi sa kanya ni Zarim na kahit saan siya magtago ay ipapahanap sila ng lolo nito kung mapatunayang isang Omega nga ang isisilang niya.

At may tama din ito. Mas ligtas siya kapag nandito siya kina Karrim dahil tulad sa Sahara ay napapalibutan din ang palasyo nito ng mga epsilon na maaaring tumulong sa kanya kasama ng mga ito sina Karrim.

Kaya hindi na siya nag aksaya ng oras para tumakas pa. Hihintayin na lang niya ang magiging balita kung magagawan ba ni Zarim na mabago ang batas sa kaharian. Hindi man ito nangako sa kanya ay nakikita niya na buo ang kumpyansa nito sa sarili na kayang baguhin ang batas sa kaharian.

At nais niyang panghawakan iyon na kahit sa kaunting pag asa lang ay kakapit siya at hindi mawawalan ng pag asa.

Nawala ang malalim niyang pag iisip ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Nalingon niya iyon ng makitang ang hari ang pumasok.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon