Warning:
Sex, violence, language.
Read at your own risk
"Hahaha." Malakas at patuya ang naging pagtawa ng hari sa sinabi niya kasabay ng pagtawa nito ay sinampal pa siya ng malakas dahilan para muli siyang mapasadsad sa sahig.
Aminado naman ang hari na kahit na sinong Omega man iyan ay mahuhulog dito pero hindi iyon ang inaasahan nitong sagot mula sa kanya kaya mas sumiklab ang galit nito dahil patuloy parin siya sa pagsisinungaling kahit na nasukal na siya nito sa kanyang ginawa.
"One more lie, Omega. Or I will kill you." Banta ng hari na sa gilid ng pader ay kinuha nito ang nakasabit na katana doon. Hinugot ang talim at itinutok iyon sa kanyang leeg.
Nanginginig ang Omega dahil sa nakitang hindi nagbibiro ang hari na sa ano mang oras ay posebleng mawalan na nga siya ng buhay.
"Y-your M-majesty." Mahina at nanginginig ang boses na pagtawag niya sa hari. "N-nagsasabi ako n-ng t-totoo." Pero mas pinanindigan niya ang kanyang sinabi. "I fall.."
"Fuck the hell I care, omega." At sa gigil ng hari ay nadiinin nito ang pagkakadikit ng talim sa leeg niya dahilan para umagos ang dugo mula doon.
"N-no. P-please." Pakiusap niya ng maramdaman ang hapdi sa nahiwang balat sa leeg niya.
Nanginginig na hindi alam ang gagawin maliban sa pakiusapan na lang ang hari.
"I told you, Omega. I'm not joking. I can kill you right now." At handa na ang haring ihataw ang katana na hawak sa leeg niya para wakasan na nga ang buhay niya ng nagambala ito dahil sa magkakasunod na katok mula sa labas ng silid kung nasaan sila.
Marahas ang ginawa nitong pagbaling sa pintuan ng iniluwa doon ang Beta nito.
"Your Majesty." Na sinabayan ng pagyuko. "There are some Rogues who have escaped from prison."
"What?" naibigay ng hari ang hawak na katana sa Beta nito. "Anong ginagawa ng mga Epsilon na nagbabantay sa kulungan at sa bawat sulok ng kaharian?" galit na tanong ng hari.
Ang ilan sa mga rogues na nakakulong ay ilan lang sa mga dating Alpha na tumiwalag sa mga batas at nasasakupan ng kaharian. At ang mga nakatakas ay ang ilan sa mga nakagawa ng ikinalabag ng batas ng dating hari kaya sila nakulong.
"Tumakas sila sa oras ng pagpapalit ng mga bantay, your Majesty."
Hindi na sumagot ang hari. Inayos ang sarili bago lumabas ng silid na basta na lang iniwan ang Omega sa loob. Kasunod ng kanyang beta, hinarap ang lota at sinabihan na gamutin ang leeg ng Omega.
"Don't let the Omega escape." Utos pa nito bago sumunod sa hari.
Tinungo nila ang kulungan at tinignan ang dahilan kung bakit nagawang nakatakas ang mga iyon. Ilan din sa mga Epsilon ang napatumba ng mga rogues na nakatakas.
"Your Majesty. Wala na pong palatandaan na nasa loob pa ng palasyo ang mga tumakas."
Marahas ang pinakawalan niyang hangin na tinignan ng mapagbantang tingin ang mga Epsilon. Dahil sa hindi nagustuhan ang kapabayaan ng mga ito ay hindi niya napigilang maglabas ng pheromones na kumalat sa buong kulungan dahilan para makaramdam ng takot sa hari.
Sa pinakawalang pheromones ng hari ay masasabi nilang hindi ito biro. At walang sino man ang gustong makatikim ng galit nito.
"Send some troops out and find the escapees." Maawtoridad na utos ng hari bago tumalikod sa mga ito at lumabas na ng kulungan.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
