Kinuha niya agad ang gamot at hindi na hinintay na sabihin pa iyon ng Lota sa kanya. Dun din naman mapupunta ang lahat.
Gagamutin ang mga sugat at pasa niya na natamo sa magdamag na pag-angkin sa kanya ng hari tapos bibigyan ng gamot para madaling maghilom at mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
Ano pa ba ang bago? Wala dahil sa halos isang buwan na niya sa palasyo ay paulit ulit na ipinaparamdam ng hari ang pagpapahirap nito sa kanya. Sa pagpaparusa ng panlilinlang niya.
Hindi nito tinatanggap ang sagot niyang na inlove siya dito at kapag iyon ang lagi niyang sagot ay mas naging marahas ito sa kanya.
Hindi naman niya masabi kung ano ba talaga ang totoong dahilan niya. Dahil ayaw niyang pati ang ama niya ay madamay. Dahil kapag nalaman ng hari na buntis ang kambal niya kaya siya ang pumalit dito ay ang ama niya ang masisisi dahil hindi niya binantayan ng mabuti ang dapat na ialay sa hari.
Nagpakawala siya ng marahas na paghinga.
"Kumusta ka na, Shantal?" Iyon ang tanong na lumabas sa bibig niya ng maalala ang kakambal niya. "Kaya kong magtiis hanggang sa humupa ang galit ng hari. Huwag ka lang papahuli sa kanya." Mahina niyang saad na siya lamang ang nakakarinig.
"Luna."
Napatingin siya sa Lota na palapit sa kanya na may dala itong kulay asul na thobe na may magandang desenyo.
"Para saan iyan, Lota?" Tanong niya dahil simula ng ikinulong siya ng hari sa silid nito ay tanging roba lang ang suot niya. At minsan lang siyang lumabas nung huling nagkausap sila ng kanyang ama. At mag iisang buwan na ngang wala siyang balita sa kanyang ama.
"Sinabi ng hari na may panauhin kayong darating, Luna. Isuot niyo ito at babalik ang hari makalipas lamang ng labing limang minuto para kunin kayo."
Hindi na muli siya nagtanong.
Binigyan siya nito ng puting T-shirt, puting panloob at puting short. Kinuha niya iyon dito bago ito tumalikod sa kanya para isuot ang mga iyon.
"Tapos na ako, Lota." Muli itong humarap sa kanya ng maisuot niya ang mga iyon. Lumapit ito at ibinigay naman sa kanya ang asul na thobe na ipapatong sa mga isinuot niyang puting damit.
Mabilis siyang nakapagbihis. Ang Lota na din ang nagsuklay sa mahaba at kulot niyang buhok. Ipinusod nito iyon pataas at inilugay ang kahabaan ng buhok niya.
Napatingin siya sa sariling replika sa salamin. Kahit papaano ay nakita niya ang dating siya bago siya ikinulong ng hari sa silid nito.
"Salamat, Lota." Pasasalamat niya dito.
Hawak hawak parin ng lota ang buhok niya ng pumasok ang hari.
"Lota." Dumagundong ang boses ng hari dahilan para agad na bitawan ng lota ang buhok niya at nabitawan din ang suklay na nalaglag sa sahig.
"Patawarin niyo ako, kamahalan. Katatapos ko lang ayusan ang Luna." Sagot ng Lota na halatang natakot sa pagsigaw ng hari. Yumuko pa ito bago pinulot ang nalaglag na suklay. Agad ding nagpaalam itong lumabas.
May nakita siyang galit na tila nag aapoy ang mga mata ng hari ng magkasalubong ang tingin nila.
Agad siyang nagbawi ng paningin. Tumayo na sinundan ng pagyuko.
"Your Majesty."
Walang imik na tumalikod ang hari sa kanya at muling lumabas. Sumunod na lang siya dito. Walang imikang tinalunton pasilyo hangang marating ang malawak na salun kung saan naghihintay ang kanilang panauhin.
Pero..
Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang naghihintay sa kanila. Natigil siya sa pagpasok sa pinto na tila siya naipako doon. Napailing siya na parang gusto na naman siyang takasan ng mga luha.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023