Prologue

18.8K 447 63
                                        

"Ang lalim yata ng iniisip mo." Tanong ni Vance sa kanya ng lapitan siya nito habang nakaupo sa balkonahe ng tinitirahan niya.

Hindi na niya inabala ang sarili para tanungin kung paano itong nakapasok sa loob gayong panigurado naman na nakalock ang pintuan ng tinitirahan niya.

Napatingin siya dito. Napansin niya na may bumabagabag dito. Ilang sigundo din ang ginawa niyang pagtitig dito bago binawi ang tingin at muling itinuon ang pansin sa kung saan aabot ang paningin niya. Tingin sa kawalan.

Napabuntong hininga siya bago nagpasyang umalis sa pagkakasampa sa mismong barandilya ng balkonahe niya. Tinapik niya ito sa balikat at hindi pinansin ang tanong nito saka pumanhik sa loob ng bahay niya. Tinungo ang kusina at nagtimpla ng tsaa para sa kanilang dalawa.

"Ikaw! Bakit ka nandito? Naligaw ka yata." Bagkus tanong niya kaysa sagutin ang tanong nito sa kanya. "May misyon ba tayo? Ano? Saan? At sino?" Pinagsunod sunod na niyang tanong dito dahil ilang araw na rin siyang nasa tirahan lang niya.

Simula kasi ng makasundo na nito ang asawa ay hindi na siya nito pinasama dito at kaya na daw nitong protektahan ang asawa dahil hindi na sa malayuan nila ito babantayan.

"Easy. Hindi lang katawan ang dapat ipahinga mo. Minsan din kailangan mong ipahinga ang isip mo." Sagot nito sa kanya.

Napailing na lang siya na sinabayan ng kibit-balikat.

Nakasanayan niya ang magaang boses na nakikipag usap nito sa kanya. Kahit na minsan ay nasa panganib sila ay kalmado parin ito kaya hindi niya mapigilan ang humanga dito. Kumbaga ito na ang tagapagligtas niya simula ng makilala niya ito.

Vance is caring.

Simula ng mapadpad siya sa Tierra De Lobo ay ito lang ang tanging naging kaibigan niya at nagpakita ng malasakit sa kanya kahit isa pa itong pinuno at isa sa tinitingala sa apat na grupo ng malalakas na lobo dito sa Tierra. Naging panatag ang loob niya dito kaya naman kahit na ang pinakatatago niyang kaliit liitang lihim ay alam nito. Na ito lang ang nakakaalam kung sino ba talaga siya at saan ba dapat siya nabibilang.

"Saka may bumabagabag ba sayo? Kanina ko napapansin ang malalalim mong paghinga. May problema ka ba?" tanong pa nito ng sumunod ulit ito sa kanya habang bitbit na niya ang maliit na teapot kung saan siya nagtimpla ng tsaa.

"Wala." Tipid na sagot niya kahit na alam niyang hindi iyon papaniwalaan ni Vance.

Hindi naman niya kailangang mag alala dahil alam niyang hindi na dadagdagan ni Vance ang tanong nito patungkol sa bumabagabag sa kanya kung ano man iyon.

Kilala siya nito at alam nito na kapag nagbigay siya ng sagot na walang ipinakitang interest ay hindi na siya nito pipilitin sumagot sa tanong na ayaw niyang sagutin.

Nagsalin siya ng tsaa at inilapag iyon sa tapat nito.

"Ikaw yata ang may problema." Pagbabalik niya ng tanong nito. Kapansin pansin din kasi na may dala itong problema o balita. Hindi naman ito basta dadalaw sa kanya kung walang ibang dahilan maliban doon.

"Nasabi mo?"

"Kilala din kita gaya ng kung gaano mo ako kakilala. Wala ka ding lihim na maitatago sa akin. Dahil sa simula pa lang naikwento mo na sa akin ang iyong talambuhay. Kaya para saan pa ang tanong na iyan?" Mabaha niyang sagot dito sabay taas ng isang kilay.

Ito naman ngayon ang napabuntong hininga. Sumimsim ng tsaa bago siya tinapunan ng tingin. Pinagsalikop ang mga palad habang nakatungkod ang mga siko sa lamesa.

"Tungkol na naman iyan sa asawa mo? Well, hindi na iyan bago. Kailan ka ba hindi nagkaproblema sa kanya. Hindi naman halata na under ka sa kanya." Nilangkapan niya iyon ng pangbubuska para hindi sa kanya matuon ang usapan nila.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon