GPS SIDE STORY VI: TWELVE

5K 294 50
                                    

"Your Majesty."

"Ano iyon, Beta?"

"Marami na pong mga ordinaryong tao ang nawawala. At nandito ngayon sa palasyo ang mga pamilyang nawalan ng mga anak at mga asawa." Balita ng beta sa kanya.

Nagngalit ang kanyang mga ngipin habang kuyom ang mga kamao niyang nakadantay sa patungan sa kanyang trono.

"Dalhin lahat sila sa emperial hall. Dinggin ang mga hinanaing nila." Utos niya dito.

Agad naman tumalima ang kanyang beta at nagpautos na papasukin ang mga tao na naghihintay sa labas at dalhin nga sa Emperial hall.

Muling nagngalit ang mga ngipin ng hari dahil sa pagkaramdam ng galit ng makita kung gaano kadami na ang pamilyang naapektuhan dahil sa pagkawala ng isa sa mga meyembro ng kanilang pamilya.

"Kamahalan, humihingi po kami ng tulong sa inyo. Kayo na lang po ang natitira naming pag-asa na makakatulong sa amin." Sabi ng isang pamilya.

"Wala na po kaming aasahan sa mga pulis dahil wala naman silang makitang palatandaan kung bakit bigla na lang nawawala ang mga anak at asawa namin, kamahalan."

"Kaya nakikiusap kami sa inyo, kamahalan. Tulungan niyo po kaming hanapin ang mga anak at asawa namin."

Ilan lamang iyon sa mga ipinakiusap sa hari ng mga tao. Sinabihan ng hari ang kanyang beta at ito na mismo ang sumagot sa mga hinaing ng mga taong lumapit sa kanila.

"Sinasabi ng hari na asahan niyo ang pagtulong niya." Pasimula ng kanyang beta na sabihin ang ilan sa mga nais niya.

Ang mangako na huhuliin ang kung sino man ang nasa likod ng mga nawawala.

"Salamat, kamahalan." Halos sabay sabay na pasasalamat ng mga ito sa mga salitang binitawan ng kanyang beta.

Matapos ang pagdinig ng mga hinanaing ng mga tao ay saka tinipon ng hari ang buong hukbo sa nasasakupan niya.

Hindi na maganda ang nangyayari sa kanilang mga lobo. Hindi niya inaasahan na sa kanyang pag upo ay madadamay ang mga ordinaryong tao.

Isa na sa mga rogues ang hinihinala niyang kumukuha ng mga tao at dinadala ang mga ito sa kanilang pinuno. At kung sino man ang nasa likod ng lahat ng kaguluhan ay naipangako niya sa sarili na mapaparusahan kung sino man ito ng higit pa sa kamatayan.




At habang nagsisimula ng kumilos ang mga tauhan ng hari para tugisin ang nasa likod ng pagkawala ng mga tao ay siya namang nagpaplano ng masamang balak ni Prinsipe Nasir sa lalaking Omega.

Ipinaamoy ni Prinsipe Nasir ang natitirang pheromones sa basong ipinuslit sa palasyo. Ang pheromones ng lalaking Omega sa mga rogues at theta. Ang binuo niyang hukbo para palawakin ang kanyang kapangyarihan.

"I want him here in my palace." Taas ang nuo niya habang sinasabi iyon.

Nakapagdisisyon na siya na kung hindi niya makikita ang lalaking Omega dahil sa ayaw siyang pahintulutan ng hari ay siya na ang gagawa ng paraan para ang Omega mismo ang pumunta sa kanyang palasyo.

"Nasayo ngayon ang trono, Zarim. Kaya sulitin mo na ang pag-upo. Dahil mapapasaakin din ang tronong iyan kapag nagpakita ka ng kahinaan." Taimtim na sinasabi niya iyon na siya lamang ang nakakarinig.

May maladimonyong ngiti na nakapaskil sa mga labi nito habang taas nuo paring nakatingin sa bagong hukbong pinamumunuhan niya.

Walang nakita ang mga inutusan ng hari noong nagpahalughog ito sa kanilang mga palasyo dahil agad na napagsabihan ang rogues na namumuno sa mga Theta na ginawa nila. Kaya patuloy siya sa pagpapalaki at pagpapalawak ng kanyang hukbo gamit ang mga ordinaryong tao na ginagawa niyang lobo.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon