FINALLY, ESCAPE FROM THE KING CONFINEMENT
"So please, your majesty. Reject me. I'm begging you, set me free, your majesty."
Mga katagang paulit ulit nitong binibigkas sa harapan niya na patuloy sa pag agos ng mga luha nito.
Nasasaktan siya habang nakikitang patuloy ito sa pagluluksa. Habang siya ay pilit na nilalabanan ang sarili para lamang hindi din ilugmok ang sarili sa kalungkutan.
Sino ba ang hindi nasasaktan sa kanila ngayon? Ipinaglaban niya ang kanyang anak. Sadya lamang na hindi sila binigyan ng pagkakataong makasama ito.
Alam niyang masakit dito ang pagkawala ng anak nila lalo't ito ang nagdala ng siyam na buwan. Pero ginawa naman niya ang lahat para lamang maisalba ang buhay ng kanilang anak.
At ngayon... parang mas doble pa ang sakit na nararamdaman niya ngayong matapos ang sagot nito sa pagtatapat niya.
Huli na ba para sa kanila? O talagang walang kahit na katiting na nararamdamang pagpapahalaga ito sa kanya?
"Ishan." Tanging pangalan na lang niya ang naibibigkas nito dahil wala na siyang ibang alam na sabihin para baguhin ang gusto nito at mapanatili sa palasyo kasama siya. Nakikita niya at nararamdaman niya kung gaano ito kadisperadong makawala sa pagkakatali sa kanya.
"All I need is your rejection, your majesty."
Humugot siya ng malalim na hininga habang nakatitig dito.
"Ang hirap tanggapin dahil ikaw na mismo ang tumatanggi sa akin." Panimula niya na halos pumiyok siya sa habang nagsasalita na pilit pinapatatag ang boses. "Wala na bang ibang paraan para mabago ko ang isip mo? Hahayaan kitang lumayo para makapag isip ka. Para makalimot sa sakit ng pagkawala ng anak natin. Pero ang tanggihan ka, hindi ko yata kaya."
Hindi ito sumagot. Nagsusumamo parin ang mga mata at umaasa sa pagpapalaya niya dito.
Naghihintay ito sa kanyang kasagutan sa gusto nitong tanggihan niya ito sa kumokonekta sa kanilang dalawa.
"I love you, habibi. Please, just go wherever you want. I'll allow you to leave but I will not reject you." Sinubukan niya itong hawakan ulit kung hindi ito iiwas sa kanya pero sadyang ayaw nitong magpahawak sa kanya. Humakbang pa ito ng ilang beses paatras palayo sa kanya.
"Kung talagang mahal mo ako bakit hindi mo kayang ibigay ang isa sa pinakagusto ko. I want you to reject me as your mate. Dahil sa simula pa lang. Hindi na tama ang una nating pagkikita. Kaya ang gusto ko, pakawalan mo ako sa pagkakatali ko sayo. Itama natin ang dapat itama mula sa simula. Dahil kung talagang tayo ang naitadhana sa isa't isa. Muling mag kro-kross ang landas nating dalawa."
"Ishan, please."
"Please, your majesty."
Halos panabay na saad nilang dalawa. Ang isa na nagsusumamo na pakawalan na niya at ang isa ay nagsusumamo na huwag siyang pakawalan.
"But Ishan, rejection is not that easy. You will feel pain. It's painful, Ishan. At kahit na pakawalan kita ay hindi ka na makakahanap ng ibang mate. So please.."
"It's okay, your majesty. Hindi ko kailangan ng mate kung iyan ang inaalala mo." matamang nakatingin ito sa kanya na may mga luha sa mga mata. "At kung sakit lang ang pag uusapan, may sasakit pa ba sa pagkawala ng anak ko. Mas okay na iyong sakit sa pagtanggi mo ang maramdaman ko, kaysa sakit na paulit ulit na winawasak hindi lang puso ko kundi buong pagkatao ko."
Muling nagpakawala ng malalim na paghinga si Zarim. Marahas ang ginawa niyang paglunok. Inalis ang namuong bara sa kanyang lalamunan.
Gusto niyang palugudan ang gusto nito pero natatakot siyang tanggihan ito at tuluyang mawala ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
