Napabalikwas ng bangon si Ishan ng maalimpungatan ng gising. Ang lalakas ng paghinga niya na tila hindi maganda ang naging panaginip niya.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Asul na kurtina ang nakapalibot sa lamang kinahihigaan niya. At kung hindi siya nagkakamali ay nasa hospital siya.
Pero sino ang tumulong sa kanya?
"Ugh." Napangiwi siya ng tanggalin ang suwero sa nakakabit sa kanyang kamay. Umalis siya sa pagkakahiga sa kama. Sumilip sa kurtina. Mabilis na napaatras siya ng may dumaan na nurse.
Hindi siya pwedeng magtagal sa hospital dahil nag aalala siya na baka matunton siya ng hari at muling ibalik sa palasyo.
"No!" Umiling siya. "Hindi na ako babalik sa empyernong iyon." Matatag na sumpa niya sa sarili.
Iginala niya ang paningin ng mahagilap niya ang itim na pinambalot sa sarili ng tumakas siya. Hinila niya iyon. Inalis ang suot na damit ng hospital saka muling ibinalabal sa sarili ang itim na kasuotan.
Naghintay siya ng pagkakataon makapuslit. Saka kung magtatagal siya sa hospital ay wala siyang pambayad.
Iyon ang isa sa nakalimutan niya nung tumakas siya. Hindi niya naisip na magdala man lang ng bagay na pakikinabangan niya at gawing pera. Nasa isip na lang niya kasi ang pagtakas ng mga sandaling iyon kaya walang wala siya ngayon.
Ng mapansing wala ng nurse na rumuronda ay mabilis ang ginawa niyang pag alis. Nilisan niya ang hospital na walang nakakapansin sa kanya o sumita.
Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo siya mismo sa hospital na namulatan ng magising siya.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Inaral ang bawat kilos at galaw ng mga taong naglalakad.
Doon niya napagtanto na pawang mga ordinaryong tao lamang ang nandoon. Kaya bahagya siyang nakahinga ng maluwang dahil walang makakakilala sa kanya at makakaamoy na isa siyang lobo.
"Excuse me? Anong lugar ito?" Tanong niya sa lalaking napadaan sa tapat niya?
Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa na tila minamaliit siya sa klase ng tingin nito.
Parang gusto tuloy niyang dukutin ang mga mata nito kung hindi lang siya nakapagpigil at kailangan niya ng impormasyon kung nasaan siyang lupalop ng mundo.
Ilang sandali pa ay ngumisi ito. Ngising tila gusto siyang sunggaban.
Mabilis nga ang ginawa niyang pag iwas ng makitang hahawakan siya nito. Kaya bago pa siya makagawa ng ikakapanakit dito ay siya na ang tumalikod.
"Walang kwenta." Sa loob loob niya ng matalikuran ito at makalayo dito. Pero bago pa siya makalayo ay nahawakan at pinigilan siya nito sa braso.
Napatingin siya sa kamay niyang hawak nito.
"Hindi ko pa nasasagot ang tanong mo. Saka kailangan mo yata ng tulong." Sabi pa ng lalaki na humigpit ang hawak nito sa kanya.
"Hindi na kailangan. Salamat na lang. Kaya kung maari ay pwede mo na akong bitawan." Maayos na sagot niya dito na pahilang binabawi ang kamay.
"Matutulungan kita. Mukhang wala kang mapupuntahan."
"Nakikiusap ako sayo, Mr. Bago pa ako makagawa ng ikakapanakit sayo ay bitawan mo na ako." Magaan man ang boses na sabi dito ay nag iwan iyon ng may pagbabanta.
Pero tinawanan lamang siya ng lalaki na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. At muli siya nitong tinignan mula ulo hanggang pa na inaral pa ang pisikal na kaanyuan niya. Na sa pisikal na kaanyuan ay malayong malayo ang katawan niya sa katawan nito. Pero kung sa lakas ng katawan naman ay wala itong magagawang ikakapanakit niya.
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023