GPS SIDE STORY VI: TWENTY-NINE

5.5K 268 46
                                        

"Balitaan mo agad kami kapag nakarating ka na ng kaharian." Seryusong sabi ni Karrim habang hinihintay na lang ang pag alis niya.

"Bantayan niyo siya para sa akin. Sayo ko lang siya ipagkakatiwala, Karrim." Seryuso ding nakipagpalitan ng tingin dito.

"Makakaasa ka. Hindi siya mapapahamak dito hanggat nandito siya sa palasyo."

"Aalis na ako." Paalam na niya dito. Nais pa sana niyang hintayin si Ishan sakaling magbago ang isip nito at ihatid man lang siya ng tanaw pero kanina pa siya naghihintay at tapos na din ang lahat lahat sa pagbibilin kay Karrim na bantayan ito ay hindi parin ito lumalabas.

"Hindi mo na ba siya hihintayin?" Ang asawa ni Karrim na hindi itinago ang malayong loob dito na nadagdagan pa dahil sa minsang pagtulong nito sa pagtakas ni Ishan.

"Oo nga naman." Pasigunda ni Karrim para lamang mawala ang nabuong tensyon sa pagitan nila ng asawa nito.

"Hindi na kailangan." Sagot niya kay Karrim. "Nasabi ko na sa kanya ang lahat kaninang umaga kaya wala na din naman akong sasabihin pa sa kanya."

"Kung ganun, hihintayin na lang namin ang ibabalita mo."

Napatango siya. Tumalikod na siya dito na sinabayan ng pagtaas ng kamay para kumaway sa huling pagpapaalam nito.

Pasakay na sana niya ng maramdaman niya ang pheromones ng kanyang asawa kaya natigil na ang pagsakay niya at napalingon sa pinanggalingan ng pheromones nito.

Hindi maitago ang ngiti niya ng makita nga ito sa hindi kalayuan na nakatayong nakatingin sa kanya.

Hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito. At sa paglapit ay agad na tinawid ang pagitan ng mga mukha nila at hinalikan ito sa mga labi saka niya ito niyakap ng mahigpit.

"Babalik ako para sa pagpapatawad mo." Magaan ang tinig niya habang sinasabi iyon.

Hindi man ito sumagot ay hindi na niya iyon pinansin. Ang mahalaga sa kanya ay ang nagpakita ito bago siya bumalik ng kaharian.

"Mag ingat ka. Alagaan mo ang sarili mo para sa ikakabuti niyo ng anak natin."

Malamlam ang mga matang nakatingin lang ito sa kanya. Kahit papaano ay wala na siyang makitang galit sa mga mata nito pero napalitan naman iyon ng takot na may kasamang lungkot.

Malalim na naman ang pinakawalan niyang paghinga. Muli niya itong ikinulong sa mga bisig niya ng ilang minuto bago niya ito pinakawalan saka ginawaran ng damping halik sa mga labi.

Hindi na siya nagpaalam dito ng tumalikod siya. Hindi na din siya lumingon pa dahil baka bumalik lang siya at hindi na siya makaalis pa.

"Sayo ko na siya ipagkakatiwala, Karrim." Huling katagang binigkas niya ng matapat kay Karrim bago ito nilagpasan at tuluyan ng lumulan ng sasakyan. Hindi na din siya lumingon ng paandarin ang sasakyan paalis at tuluyang nakalabas ng palasyo ni Karrim.




"Anong kailangan mo at ikaw pa ang sumadya sa akin dito." Ang kanyang lolo na seryusong nakatingin sa kanya.

Hindi na siya nagsayang ng oras. Ng makabalik siya galing ng Tierra ay agad niyang pinuntahan ang kanyang lolo para sabihin dito lahat ang kanyang balak na tanggalin ang isa sa ipinatupad nitong batas.

Hindi na niya alintana ang pagod sa haba ng biniyahe niya.

"Gusto kong tanggalin ang batas tungkol sa pagkitil sa mga unang anak na omega." Walang kagatol-gatol niyang sabi sa kanyang lolo.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon