GPS SIDE STORY VI: FOURTEEN

4.7K 295 31
                                    

Habang nasa kalagitnaan ng laban si Zarim ay nagpasya si Nasir na umalis at pumunta ng palasyo.

Wala si Zarim sa palasyo nito kaya makukuha niya ang lalaking Omega ng walang kahirap hirap.

Hindi na siya nag aksaya ng oras. Alam naman niyang makikipaglaban ng kamatayan ang mga hukbong binuo niya kaya hindi makakaalis agad si Zarim para mahabol siya.

Nilisan niya ang kagubatan ng Sapiro. Binagtas ang daan patungo ng palasyo ni Zarim kung saan nandoon ang lalaking Omega na nakapukaw ng interest niya.

Ng makarating siya doon at mabilis na napatumba ni Nasir ang mga naiwang bantay sa palasyo ni Zarim kaya walang kahirap hirap na nakapasok siya sa loob.

Lahat ng mga pumigil sa kanyang Epsilon ay hindi na niya pinalampas. Pinatumba niya lahat ng mga humarang sa dinaraanan niya.

Walang makakapigil sa kanya. Sa kagustuhang kunin ang lalaking Omega at isama ito sa pagtakas niya.

Sa bilis at liksi niya ay sinigurado niya sa makakaalis siya sa tamang oras bago pa man mahalata ni Zarim ang balak niya.

Napatayo siya sa haharan ng palasyo. Ipinikit niya ang mga mata at inamoy ang simoy ng hanging pumapalibot sa palasyo.

Napangisi siya ng maamoy ang halimuyak ng lalaking omega na sumasama sa iba't ibang uri ng amoy sa hangin.

"I know where you are, Omega." Nakangising bulong niya na sinimulan ng tahakin ang kinaroroonan ng omega.

Sa pagtunton niya sa amoy ng Omega ay mas kumapal ang mga epsilon na humarang sa kanya pero hindi iyon ang naging dahilan para mapigilan siya sa nais na pagtangay sa omega.

Siya si Prinsipe Nasir, na kung wala si Zarim ay siya ngayon ang nakaupo sa trono. Pumapangalawa siya sa kandedato bilang Hari pero hindi siya pinalad dahil mas nalamangan siya ni Zarim kaya iyon ang ikinaiinis niya.

Pero hindi ibig sabihin nun ay malalamangan na din siya ng mga Epsilon na bantay sa kaharian. Dahil hindi man lang siya nahirapan sa mga ito.

"Don't underestimate me." Gigil na inihagis pa ni Nasir ang huling Epsilon na pinabagsak niya.

Nakangisi na naman siyang nakatingala sa balkonahe sa kung saan doon nanggagaling ang pheromones ng lalaking Omega.

"Hahahaha." malutong ang pagtawang pinakawalan niya "At sa silid mo pa talaga siya itinatago, Zarim." Sabi pa niya na walang kahirap hirap na sumampa sa pagkataas taasang balkonahe ng silid ng hari.

Malakas na itinulak ang pinto ng balkonahe para mabuksan iyon ng walang kahirap-hirap.

"Hmmm." Napahugot siya ng hininga para lasapin ang mahalimuyak na bango ng pheromones ng omega na bumabalot sa buong silid.

"Who are you?" narinig niyang tanong mula sa Omega. Dahil sa madilim ang paligid ay hindi siya nito nakilala. Pero hindi na niya kailangang magpakilala dito.

"Come with me, Omega." Sabi niya dito saka ito nilapitan. Pero sa paglapit niya ay bumukas ang pinto at iniluwa doon ang ilan pang Epsilon at ang Lota nito.

"Haha, wala kayong kadala-dala. Walang makakapigil sa akin." Nanggagalaiting mabilis na pinatumba niya ang mga ito na hindi na alintana ang pagkasira ng buong silid.

Habang ang Lota naman ay kinuha ang Omega para sana ilayo kay Nasir pero huli na dahil mabilis na hinatak ni Nasir ang Lota at walang babalang ibinaon nito ang matutulis na kuko sa tapat ng dibdib ng lotang tagapag-alaga ng omega.

"No!" Napasigaw ang Omega ng bitawan niya ang Lota na wala na ngang buhay pa dahil dinukot niya ang puso nito palabas ng katawan nito.

"Why, Omega? Isa lamang siyang mahinang Lota. Hindi siya nababagay na magbantay sayo." Sabi naman ni Nasir na nasa mga labi ang malademonyong ngiti.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon