GPS SIDE STORY VI: THIRTY-THREE

5.5K 285 99
                                        

Tahimik lamang siya. Walang ganang kumain. Ayaw niyang makipag usap sa iba. Nagkulong sa silid na minsan naging bilangguan para sa kanya.

Pero iba man ngayon ang trato sa kanya ng mga nasa loob ng palasyo dahil kinikilala na siyang Luna ng hari ay wala na iyong silbi para sa kanya.

Para saan pa ang mabuhay? Kung sa simula pa lang ay ipinagkait na kanya ang katahimikang mabuhay ng payapa. Na sa una pa lang ay hindi na naging maganda ang simula? At ang dahilan niya na patuloy na lumalaban ay wala na sa kanya.

"Luna, kumain na kayo. Makakasama sa katawan niyo ang hindi niyo pagkain." Sabi ng isang lota kasama ang ilang dama para lamang pagsilbihan siya.

Hindi siya sumagot. Hindi din niya tinapunan ng tingin ang mga ito. Na kahit na anong pakiusap ng mga ito ay wala na siyang pinakinggan sa mga iyon.

Tahimik na iniwan ng lota ang pagkain niya na kukunin kahit hindi niya nagagalaw at papalitan din ng iba.

"Baby." Daing niya na muling tumulo ang kanyang luha. Hindi man lang niya nahawakan ito. Hindi man lang niya nayakap ito. At kahit na bigyan ng pangalan ay hindi man lang niya naibigay dito.

"Ishan."

Hindi niya nilingon ang tumawag ng pangalan niya. Ang kanyang ama na lumapit sa kanya.

"Sabi ng lota at mga dama na wala ka daw kinakain. Nakikiusap ako sayo anak. Magpakatatag ka." Ang kanyang ama na puno ng pag aalala sa tuno ng boses. "Alam kong masakit ang mawalan pero sana isipin mo na hindi ito hangganan ng iyong buhay."

"A-ama. K-kahit gusto ko. H-hindi mawala ang sakit dito." Mahinang wika na halos hindi niya maibigkas dahil sa kanyang pagluha.

Ang kamay na nasa tapat ng dibdib na mahigpit iyong hinawakan. Nanunuot ang sakit sa puso niya.

"G-gusto k-kong isipin na isa lamang panaginip ang lahat. O k-kaya ay ibalik ang p-panahon na sana hindi na lang ako tumapak dito sa palasyo. H-hindi ko sana nakilala ang h-hari. H-hindi ko sana naranasan ang paghihirap.. at h-hindi ko sana dinala ang a-anak ko p-para hindi siya mawala at h-hindi ako masaktan ng ganito." Puno ng paghihinagpis na saad niya.

"Ishan, anak."

"A-ama."

Niyakap siya ng kanyang ama. Pero hindi siya nakaramdam ng kahit na anong kaginhawan kahit na maramdaman niyang puno ito ng pag aalala sa kanya.

Hindi niya alam kung saan ba dapat magsisimula. Kung saan pwede niya na lang kalimutan ang lahat para hindi na niya maramdaman ang sakit sa kanyang kawalan.

"Nakikusap ako sayo anak, alam kong mahirap pero kailangan mong magpakatatag." Muling pagpapaalala sa kanyang ama.

Marami pa itong sinabing makakapagpalubag ng loob niya pero ni isa man sa mga iyon ay walang naitulong sa kanya.

Muli siyang nilamon ng kalungkutan at patuloy sa pag iyak ng magpaalam at iwan siya ng kanyang ama para mapag isa.




Tatlong katok ang narinig niya mula sa labas pero hindi niya inabala ang sarili para lumingon doon.

Nasa labas siya ng balkonahe ng kanilang silid. Hindi para pagmasdan ang lawak ng lupa ng palasyo kundi nakatingin siya sa kawalan. Tingin na ang tanging nakikita ay kadiliman.

Napasinghap siya ng maramdaman ang presensya ng hari na siyang pumasok sa loob. Napalingon na siya para tignan ito.

Ang unang beses na makita ito matapos ang pagkamatay ng anak nila. Nakikita din niya dito ang kalungkutan sa mga mata pero mas matatag ito kaysa sa kanya.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon