GPS SIDE STORY VI: FIVE

7.4K 304 21
                                        

Warning:
Sex, violence, language.
Read at your own risk!!

Napangiwi sa sakit na naramdaman si Ishan kinaumagahan ng magising siya. Hindi niya alam kung saang bahagi ng katawan niya ang kanyang hahawakan para damahin ang natamo niyang sugat mula sa pakikipaglaban sa tatlong Rogues na nangahas kagabi na pumasok sa silid ng Hari kung saan siya ikinulong nito.

Hari?

Natigilan pa siya ng maalala ang Hari. Hindi malinaw sa kanya ang mga sumunod na nangyari kagabi maliban sa unti unti siyang nanghina sa kamay ng tatlong Rogues dahil sa pinagsama samang Pheromones na pinakawalan ng mga ito idagdag pa na na dinatna siya ng heat kaya hindi siya nakapanlaban ng maayos.

Maliban doon...

"Ugh!" Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman din niya ang sakit sa bahaging iyon ng katawan niya. "Anong ginawa ko kagabi? Anong nangyari?" Mahinang tanong na lumabas sa bibig niya.

Tinangka niyang muling gumalaw ng muling sumidhi ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan niya.

"Fuck." Napamura siya dahil sa sakit pa lang sa likod niya ay alam na niya ang nangyari kahit na hindi malinaw sa kanya ang namagitan sa kanila ng Hari. Pero iisa lang ang ibig sabihin nun. Ginamit siya ng Hari sa kalagitnaan ng heat niya kagabi.

Kagat ang labing bumangon siya at pilit na ininda ang sakit na naramdaman. Magkakasunod din na pagmumura ang lumabas sa bibig niya dahil doon.

"Gising na pala kayo, Luna." Ang lota na nagbantay sa kanya kagabi at gumamot ng hiwa ng katana sa leeg niya. Ito din ang unang natumba dahil sinubukan siya nitong iligtas sa tatlong Rogues pero ni wala itong nagawa. At ang akala niya talaga kagabi ay patay na ito.

Lumapit sa kanya ang Lota. Idinikit ang likod ng palad nito sa kanyang nuo.

"May lagnat parin kayo, Luna." Sabi pa nito ng muling lumayo. "Pero kailangan niyong piliting tumayo at maghanda dahil isang oras lamang ay babalik ang hari dito para kunin kayo at iharap sa inyong ama."

Sa sinabi ng Lota sa kanya ay muling sumagi sa isip niya ang dahilan kung bakit nga pala siya ikinulong ng hari sa silid nito. At simula kahapon ay tanging pagpapahirap lang ang naranasan niya mula dito.

Masakit man ang katawan niya ay pinilit parin niyang kumilos. Kailangan niyang kumilos ng katulad ng natural na kilos ng kanyang kambal kapag kaharap ang kanyang ama.

Pero ano ang balak ng hari sa kanya na sa unang araw pa lang ng pagkakakilala nila ay nabuko na agad ang pagpapanggap niya.

Nahirapan man siyang kumilos dahil sa hapdi at kirot na nararamdaman niya sa bahaging iyon ng likod niya ay pinilit parin niya ang sarili.

Nakasunod lang sa kanya ang Lota ng makapasok siya sa banyo. Tinulungan siya nitong alisin ang mga damit niya bago lumusong sa maligamgam na tubig na inihanda ng lota sa kanya.

Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kaginhawaan ng maibabad ang katawan sa tubig ng ilang minuto.

Gusto man niyang magtagal sa pagligo ay napilitan siyang umahon para ihanda ang sarili sa pagbabalik ng hari para kunin siya.

"Sinabi ng hari na hindi mo na kailangang itago ang inyong mukha, Luna." Ang lota habang nagsusuot siya ng niqab na sa sinabi nitong iyon ay alam na niya ang ibig nitong sabihin.

May hawak na din itong thobe.

Marahang niyang inilapag ang Niqab. Inalis ang Abaya na nauna ng isinuot.

Tumango na lang siya at hindi na nagsalita. Kinuha ang thobe sa lota at isinuot iyon. Kulay itim iyon. Usually, ang thobe ang siyang nakagawiang isuot ng mga lalaki sa tuwing may mga mahahalaga silang bisita. Kahit na ang ama lang niya ang kanyang haharapin ay kailangan niyang magsuot ng thobe dahil nasa loob parin siya ng palasyo.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon