GPS SIDE STORY VI: TWENTY-ONE

6.9K 311 110
                                        

Napatitig siya kay Vance dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung binibiro lamang ba siya nito dahil biniro niya ito noong nakaraang araw na baka buntis ang asawa nito pero..

"Are you kidding?" Hindi niya mapigilang tanong dito.

"I'm not good at telling jokes, Ishan. You are three weeks pregnant." Seryuso itong nakatingin sa kanya habang muli iyong sinasabi.

Napalunok siya. Wala siyang ibang alam na sasabihin dahil nagulat siya sa nalaman.

"T-three weeks?" Pang uulit pa niya kung ilang araw na siyang buntis. Doon niya nakalkula ang huling pakikipagniig niya sa hari. Noong gabi ng pulang buwan na sinabayan ng pagdating ng heat niya at rut ng hari.

Nakalimutan na din niya uminom ng gamot kinaumagahan bago siya tumakas sa kaharian.

"Hah." Napaskil sa kanyang mga labi ang mapait na ngiti ng hindi makapaniwala. May namuong luha sa kanyang mga mata

"Pero sabi naman ni Dr. Velasquez na hindi nakaapekto sa kapit ng bata ang ipinainum sayo sa gabi ng misyon natin."

"The fuck.." napaatras pa siya at nanlulumong naupo. Naihilamos ang mga palad sa sariling mukha na tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha.

Hindi niya akalain na mag iiwan pala ng alaala ang masamang karanasang ipanalasap sa kanya ng hari. Nahabag siya sa sarili na sa kapabayaan niya at kagustuhang magkapera ay muntik pa nga niyang naipahamak ang dinadala niya.

"Enough. Stop crying." Si Vance na hindi matagalan na nakikita ang pag iyak niya o sa lahat ng omega dahil may mababang puso ito sa lahat ng kagaya niya. "Magpahinga ka na muna. Saka na ulit kita kakausapin kapag naging malinaw na ang isip mo para sa kalagayan mo."

Hindi na niya nagawang sumagot sa lahat ng sinabi ni Vance sa kanya dahil talagang nagulantang siya sa rebelasyon sa kalagayan niya.

Iniwan na siya ni Vance. Nanatili siyang tahimik at hindi parin makapaniwala.




Nagtungo siya sa hospital kinahapunan ng maliwanagan ang isip niya at nagpakonsulta kay Dr. Velasquez. At tulad ng sinabi sa kanya ni Vance ay tatlong linggo na nga ang ipinagbubuntis niya.

"Inuulit ko Mr. Safar. Maganda at malakas ang kapit nito kaya wala kang dapat ipag alala and you can do your job as well basta huwag ka na lang ulit makakainom ng gamot na pwedeng makasama sa kapit nito." Mahabang paliwanag ng doctor sa kanya. "Mr. Fuentebella told me that you're working as a secret agent. Walang masama sa pagtratrabaho mo pero huwag mong hahayaang masaktan ka. Physically."

Napatango siya habang nakikinig dito dahil wala naman siyang ibang masabi sa kalagayan niya at naipaliwanag na nga nito ang mga dapat at sa hindi dapat niyang gawin.

Nais lang naman niya talagang makasigurado sa kalagayan niya. At masaya siya na nag aalala para sa sarili at sa ipinagbubuntis.

Masaya siya dahil magkakaroon siya ng anak pero nag aalala siya dahil ang ama ng dinadala niya ay ang taong nagpahirap sa kanya at tinakasan niya.

"Thank you, doctor." Pasasalamat niya dito bago maayos na nagpaalam.

Neresetahan siya ng bitamina para mas maganda pa daw ang magiging kalagayan ng baby niya.

Hindi agad siya bumalik sa pack house kung saan siya pansamantalang namamalagi. Nagliwaliw muna siya habang nag iisip ng magandang gawin para sa kanila ng kanyang ipinagbubuntis.

"Can you help me?" Agad na tanong niya kay Vance ng magpasya siyang tawagan ito na agad nitong sagutin ang tawag niya.

"What for? And where are you?" Tanong nito sa kanya na sa background na naririnig niya ay alam niyang umiinom na naman ito.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon