"Luna." Muli ay tawag sa kanya ng Lota mula sa labas ng silid.
Kinakabahan siya at hindi mapakali. Mag a-alas dose na ng tanghali. Kanina pa siya kinukumbinsi ng Lota na magbihis at talagang hindi siya nito tinitigilan.
"Sinabi ko na sayo na hindi ako dadalo, Lota." Muli ay sagot niya dito pero hindi parin tumigil.
Pumasok ito ng silid.
"Nakikiusap ako sayo, Luna. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Sumunod ka na lang sa gusto ng hari para hindi siya magalit sayo." Ang Lota na halata na nag aalala ito sa kanya.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Wala na siyang magagawa kundi ang gawin ang nasa isip niya.
"Pakikuha ng thobe, Lota." Utos na niya dito.
"Sige po, Luna." May ngiti sa mga labi ang Lota dahil sa sinabi niya. Pero ng tumalikod sa kanya ang Lota ay saka siya tumayo.
"Patawarin mo ako, Lota." Paghingi niya ng tawad dito.
"Come again, Lu...." hindi na nito natapos ang sinasabi ng malakas na pinalo niya ito sa batok para mawalan ng malay.
Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga. Napatingin pa siya sa Lota na bumagsak na sa sahig at wala ng malay.
"Muli, patawarin mo ako, Lota." Sabi niya bago kumilos para tanggalin ang kadena sa paa niya. Nakaramdam man siya ng panghihina dahil sa wolfsbane ng Kadena ay tiniis niya iyon para lamang matanggal iyon sa kanya.
"Yeah!" Nakangiti na halos maluha luha siya ng matanggal na niya ang kadena sa paa.
Hinila niya ang itim na balabal at isinuot niya iyon. Maingat ang naging galaw niya ng lumapit sa balkonahe ng silid. Tinignan kung may mga nagbabantay tapat ng silid niya.
Nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang makita. Binuksan ang pinto ng balkonahe saka walang pag aalinlangang tinalon iyon.
"Ugh." Dahil sa masakit parin ang katawan sa nagdaang gabing namagitan sa kanila ng hari ay bahagya siyang napaigik. Maganda naman ang pagkakalapag niya sa simento. Sumudhi lamang ang kirot sa bahaging iyon sa likod niya.
Pero hindi na niya iyon pinansin. Kung iintindihin niya ang sakit na nararamdaman niya sa katawan ay hindi siya makakatakas at mababalewala lang ang pagkakataon niya.
Maingat ang naging galaw niya. Wala namang nakakakilala sa kanya maliban sa hari, beta at ang lota sa kaharian kaya makakaya niyang makipasalamuha sa iba. Huwag na lang nilang maamoy ang pheromones ng hari na bumabalot parin sa kanya hanggang ngayon kahit na ibinabad pa niya ang katawan sa tubig kanina.
"I can do it." Sa loob loob niya na sinimulan ng maglakad. Bagtas ang daan kung saan ang malaking tarangkahan ng palasyo.
Sa paglalakad niya ay patuloy parin siya paglingon sa paligid para maiwasan ang mga bantay sa palasyo.
Pero ang akala niya ay walang makakapansin sa kanya..
"Hoy!" Napatindig siya ng tayo. Napalunok siya. "Sino ka? Bakit ka nandito?" Magkasunod na tanong nito mula sa likuran niya.
Isa, dalawa, tatlong, apat na hakbang. Iyon ang narinig niyang mga yabag nito palapit sa kanya.
"Humarap ka. Sino ka para manghimasok sa palasyo ng hari." Utos at tanong pa nito. Naramdaman pa niya ang tila bagay na itinutok nito sa likod ng ulo niya.
Mabagal ang ginawa niyang paglingon.
"Patawarin mo ako sa kapangahasan ko. Naligaw lamang ako sa gusto kong makita kung gaano kaganda ang paligid ng palasyo." Tuwid na sagot niya dito. "Isa ako sa gustong masaksihan ang kasal ng hari pero dahil sa pagkagiliw ko sa ganda ng palasyo ay hindi ko na napigilan ang sarili kong pagmasdan ito."
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
