Magtatatlong buwan ng naging tahimik ang buong kaharian. Pinalamig ng hari ang paghahanap sa kanyang asawa isang buwan mula ng tumakas ito sa kaharian.
Hindi dahil ayaw na niya itong hanapin kundi pinapalamig lang niya ang sitwasyon para isipin ng kanilang lolo na wala na iyong halaga sa kanya.
Pero ang balak niya ay siya na mismo ang aalis at maghahanap sa kanyang asawa. Na kahit saan man sulok ng mundo magtago ay hahanapin niya ito.
"Nakapag isip ka na ba?" Tanong ng kanyang lolo habang sabay silang naghahapunan ng dalawin siya nito.
"Wala pa sa isip ko iyan, lolo. Saka na ako magpapakasal ulit kapag tuluyan ng napawalang bisa ang kasal ko sa lalaking omega na iyon."
"Pwede ka namang magpakasal kahit ilan pa ang gusto mo. Anong problema sa lalaking omega na iyon? Mabuti nga lumayas ito dahil alam mong hindi ko matatanggap na iyon ang magiging asawa mo." Hindi talaga itinago ng kanyang lolo ang pagkadisgusto sa asawa niya o masasabing sa lahat ng mga lalaking omega.
Hindi niya ipinahalata sa kanyang lolo ang pagngangalit ng kanyang mga ngipin dahil sa mga sinabi nito.
Gusto niyang sagutin ang kanyang lolo at sabihin dito na walang magbabago sa desisyong hindi niya ipapawalang bisa ang kasal nila.
"Marami pa akong gustong gawin habang nakaupo ako sa trono, lolo. At magiging sagabal lamang kapag nagpakasal ako ulit."
"Ikaw ang bahala." Anito na hindi na ipinagpilitan pa ang suhesyong pagpapakasal. "Basta maayos at maganda ang pamamalakad mo sa buong kaharian ay walang makakaagaw sayo sa tronong iyan. At ipakita mo sa lahat na ikaw ang pinakamalakas."
"Hindi pa ba, Lolo?" Tanong niya dito na nakipagsukatan ng tingin dito.
Naramdaman niya ang pagpapakawala nito ng pheromones na nagpapahiwatid ng paghahamon kaya tinapatan din niya ito at ipinaramdam din dito na balewala sa kanya at walang makakapagpatinag sa kanya para makaramdam ng takot.
"Impressive." Ang kanyang lolo na tumigil sa paglalabas ng pheromones nito.
Hindi na siya nagsalita pa na muling ipinagpatuloy ang pagkain. Ganun din naman ang lolo niya na hindi nakaligtas sa kanya ang malalamin nitong paghinga.
Lihim siyang napangiti dahil doon. Hindi na ganun kalakas ang kanyang lolo at kaya na niyang higitan ito kung gugustuhin niya. Kaya na niyang pabagsakin ito kung hindi lang niya iniisip na ito parin ang lolo niya.
"Hindi na ako magtatagal." Paalam ng kanyang lolo makalipas ang halos isang oras na palitan nila ng salita.
"Shall we, your highness." Ang beta nito na agad sumalubong sa kanyang lolo ng maihatid niya ito at makapagpaalam sila ng maayos sa isa't isa.
Seryusong tingin ang isinunod niya sa papalayong imahe ng kanyang lolo at sa beta nito.
"Your majesty." Napalingon siya ng marinig ang boses ng kanyang beta na papalapit na sa kanya.
"Alam mo na ang gagawin dito sa palasyo habang wala ako Beta." Nasabihan na niya ito sa mga dapat nitong gawin at alam niyang kaya nitong gampanan ang mga iyon habang wala siya sa kaharian.
"Yes, your majesty." Yumuko pa ito sa kanya. "Naihanda ko na din ang inyong mga gamit sa pag alis."
"Good. At habang wala ako ay huwag mong hahayaag makatakas ang ating bihag. Dahil sigurado akong magagamit kong dahilan iyon para mapauwi ko siya dito sa palasyo."
"Yes, your majesty. Makakaasa kayo na walang magiging problema dito sa palasyo o habang wala kayo."
"Very well then."
BINABASA MO ANG
✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)
WerewolfStatus: COMPLETED GPS SIDE STORY VI [WARNING SPG-R18] If your not BXB lover nor into BXB stories. Just don't read it for your ouw risk ISHAN AND ZARIM BRAHMAN Started Date: June 17, 2023 End Date: Augost 10, 2023
