GPS SIDE STORY VI: FIFTEEN

5.3K 348 63
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Matapos ang kaguluhan sa buong kaharian ay tuluyan ng nabigyan ng kasagutan ang lahat.

Parang bulang naglaho ang problema sa kaharian na kahit ang mga pamilyang nawalan ay hindi na sinubukang hanapin ang mga nawala sa kanila dahil walang naiwan na palatandaan kung paano sila nawala at kung saan napunta ang mga miyembro ng pamilyang nawawala. Masakit man sa mga ito ang mawalan ay hindi na din naman maibabalik pa ang mga ito dahil tuluyang binura ang mga ito sa buong kaharian.

Nanatili naman si Nasir sa kulungan at wala ng sino man ang halos nag iisip na nag i-exist ang katulad nito sa kaharian dahil sa mabigat na kasalanang nagawa.

Nagpatuloy ang bawat araw sa dating takbo ng kanilang buhay pero para kay Ishan ay sa bawat araw na lumilipas ay katumbas ng isang taon niyang paghihirap.

Hindi parin tumitigil ang hari. Patuloy parin ito sa pagmamalupit sa kanya. Patuloy parin ito sa pagpaparusa sa kanya.

"Take your pills, Luna." Ang bagong lota niya na ngayon ay nag aalaga sa kanya. Gumagamot sa sugat at pasa niya. Kasing tapat din ito ng naunang Lota na umaasikaso sa kanya. Pero hindi parin niya mapigilang malungkot kapag naalala ito.

"I don't need that, Lota." Muli ay pagtanggi niya dito.

"Pero kailangan niyo ang mga gamot na ito para mapadali ang paghilom ng inyong mga sugat. Please, Luna."

"Okay just leave that here. I will take that later. You may leave now." Maayos na pagtataboy niya dito.

At ang dating gawi ay napatingin na naman siya sa balkonahe kung saan matatanaw ang malawak na lupain na kinatitirikan ng palasyo.

"Hindi kayo pwedeng pumasok, Ms. Safar. Kabilin bilinan ng Luna na ayaw niyang tumanggap ng dalaw." Narinig niya ang kanyang Lota mula sa labas ng silid.

"At sino ka para pigilan ako. Umalis ka sa pintuang iyan kong ayaw mo ipatapon kita." Banta naman ng kanyang kakambal.

Napailing siya.

Sa bawat paglipas ng mga araw na pananatili ng kakambal niya dito sa palasyo ay lumalaki na ng tuluyan ang ulo nito. Dahil pagkatapos ng paglabas mamaya ng kabilugan ng pulang buwan ay bukas na gaganapin ang kasal nito at ng hari.

Pabalibag na bumukas ang pintuan.

"Ganyan mo ba gagamitin ang titulo bilang isang luna pagkatapos mong maikasal sa hari bukas?" nang uuyam na tanong niya sa kakambal niya na tinapunan lamang siya ng tingin.

"Bago ang kasal namin bukas ay mawawalan na bisa ang kasal niyo kaya hindi ka na magiging Luna ng palasyong ito."

"Do as you wish, Shantal. Nilalamon ka na din ng inggit mo sa kung ano ba ang kinaiinggit mo sa kalagayan ko ngayon. Ganyan ka ba kadisperadang matikman ang pagmamalupit ng hari?" Pagpapababang sabi niya sa kakambal sa hindi maitagong pagkainis dito.

"Oo, at gagamitin ko ang pagkakataon ko bukas para tuluyan kang mawala dito sa palasyo."

"Sana nga, Shantal. Tatanaw ako ng utang na loob sayo kung magagawa mong patakasin ako dito sa empyernong silid na ito." Patuyang sabi pa niya dito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkuyom ng kamao ng kakambal habang mariing nakapinid ang mga labi sa pinipigilang pag alsa ng inis nito.

Pero hindi niya iyon pinansin. Hindi niya papatulan ang kasakiman ng kakambal dahil sa simula pa lang ay wala naman talaga siyang balak manatili sa palasyo. Hindi na nasundan pa ang pagpapalitan nila ng salita. Walang lingong likod na tinalikuran siya nito na padabog na lumabas sa silid ng hari.

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Nailing siya. Naikuyom din ang kamao niya dahil sa paglabo ng relasyon nilang magkapatid. Hindi naman sila ganito dati. Katunayan ay malapit talaga sila sa isa't isa. Nagsimula lang lumabo ang pagsasamahan nila ng magmahal ito sa maling tao. At ngayon.. nais nitong makuha ang pansin ng hari.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon