GPS SIDE STORY VI: TWENTY-SIX

5.7K 323 52
                                    

"Wala akong panahon sa mga sasabihin mo, Karrim kaya kung ano man iyan sabihin mo na." Naiinis na wika ng marating nila ang rooftop ng hospital kung saan siya dinala ni Karrim para makausap.

"Your Luna is pregnant, Zarim." Seryusong tinig na panimula nito.

"Of course, I fucked him without protection." Gigil na sagot niya dito. Kailangan bang bigyan iyon ng ibang dahilan maliban sa sinipingan niya ang kanyang asawa kaya nabuntis ito.

"Yeah, the hell I care." Naiinis din na sabi nito na tila gusto siya nitong suntukin sa pagkakakuyom ng kamao nito.

"Iyan lang ba ang ipinunta natin dito?" Hindi niya itinago ang inis dito.

"Are fucking out of your mind? Hindi mo ba naisip ang posebleng mangyari sa dinadala niya sakaling ibalik mo siya sa kaharian?"

Kunot ang nuo niyang napatitig kay Karrim dahil sa seryusong tingin nito sa kanya.

"Ishan is a male Omega, Zarim. At malaki ang posibilidad na paglabas ng bata ay isa itong omega." Malakas na sabi nito sa kanya.

Doon niya naalala ang batas ng kaharian na naipatupad ng kanilang lolo ng ito ang namumuno. At lahat ng mga unang anak na omega sa pamilya nila ay pinapapapatay.

"Alam mong isa iyan sa dahilan kaya ako umalis sa kaharian." Dagdag pa nito sa mas seryusong tinig.

Nagpakawala siya ng marahas na paghinga. Naikuyom ang kamao dahil sa katotohanang iyon na matagal ng batas dahil sa kanilang lolo. Wala siyang alam na itutugon kay Karrim dahil parang tinangay ng hangin sa kung saan ang kanyang isip.

"Maliban na lang kung hindi mo siya pinapahalagaan at hahayaan mong mamatay ang magiging anak niyo."

"Fuck. Ugh! Damn it." Naisuntok niya ang kamao sa pader sa kaliwa niya.

Nawala sa isip niya ang bagay na iyon. Nais niyang iuwi si Ishan sa kaharian dahil doon ito nababagay kasama siya. Pero hindi naman niya naisip na kapag nakita ito ay malalaman niyang dinadala na pala nito ang magiging una niyang anak. At dahil sa lalaking omega ito ay may posibilidad na omega din ang maisisilang nito na hindi papayagan ng batas sa kaharian.

"Iniwan ko sayo ang lahat dahil may tiwala akong kaya mong baguhin ang batas na iyan ng kaharian. At kapag nakapagpasya ka na labanan at burahin sa kaharian ang batas na iyon, asahan mong nasa likod mo ako at naghihintay para tumulong sayo." Mahaba pa nitong saad na isa man sa mga sinabi nito ay wala pa siyang naisagot.

Muli siyang nagpakawala ng marahas na paghinga na napatingala pa sa kalangitan. Hinilot ang leeg dahil pakiramdam niya ay nangapal ang mga ugat niya doon.

"Now tell me, who is he to you, Zarim?"

Napatingin siyang muli kay Karrim sa naging tanong nito. Sino nga ba si Ishan sa kanya?

Hindi din niya masagot si Karrim sa tanong nitong iyon na mas nakapagpagulo sa utak niya. Maliban na ito ang asawa niya ay hindi na niya alam kung ano pa ba ang asawa niya sa kanya?

"Enough." Pagalit na tinalikuran niya ito dahil wala naman siyang matinong maisip na maisagot dito.

Magkakahalo ang mga bagay-bagay na nasa utak niya dahil sa binuksang paksa ni Karrim tungkol sa batas ng kaharian na dinagdagan pa niya ng katanungang sino ba ang asawa niya sa buhay niya?

"Tatakbuhan mo ang lahat ng mga katotohanan sa mga sinabi ko?"

"I said enough." Galit na kinuwelyuhan pa niya ito pero hindi ito natinag sa ipinakita niyang galit.

Kinulwelyuhan din siya nito at nakipagsukatan ng tingin.

"Kahit bali-baliktarin mo man ang lahat ay doon din patungo ang lahat, Zarim. Dahil kahit wala siya sa kaharian at natatali parin siya sayo. Ang lolo mismo ang magpapahanap sa kanya dahil anak mo parin ang isisilang nito."

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon