GPS SIDE STORY VI: THIRTY-ONE

3.8K 263 81
                                    

"No." Halos panabay na sigaw ng hari at ni Ishan habang nakatingin sa anak nilang wala pang isang buong araw na naisisilang.

Hawak ng isang kawal ang kanilang anak na walang tigil sa pag iyak. Ibinaba nito sa parisukat na lamesa sa gitna kung saan sila nakatunghay lahat dito.

Hawak si Ishan ng kanyang amang ministro na sumalubong sa kanya ng makita siya sa bulawagan ng palasyo na nanghihina. Hindi na halos siya makagalaw pa sa haba ng nilakad niya para lamang makarating sa bulwagan ng palasyo. Pero mas nanghina pa siya ng makitang nasa gitna ang anak niya na hawak ng kawal.

"A-anong nangyari? Ama. B-bakit nangyayari ito. A-akala ko ba t-tapos na ang batas na ipinatutupad ng hari." Nanghihinang tanong pa niya sa ama.

"Hindi pa nailalathala, Ishan. Sa makalawa pa lang ito ilalathala kaya sa mga oras na ito ay tumatakbo parin sa loob ng kaharian ang batas ng dating hari." Nanghihina ding sagot ng kanyang ama dahil apo nito ang nasa gitna ng bulwagan. Gusto man din nitong tumutol ay wala itong magagawa dahil kung magkamali ito ng kilos ay siguradong mauuna itong mamamatay kaysa sa bata.

"No." Magkakasunod na pag iling ang ginawa niya na tuluyan nakapagpahagulgol sa kanya ng iyak.

Habang sa kabilang panig ay nakatali naman ang hari doon dahil kung hindi siya itatali ay hindi siya mapipigilan ng kahit na sinong iligtas ang anak niya na kanina pa din nagpupumiglas para lamang makawala.

"M-maawa kayo. N-nakikiusap ako sa inyo. H-huwag ang anak ko." Si Ishan na hindi na tumigil sa pag iyak simula ng malamang nawala ang anak na isinilang at ibinalita na lang sa kanya na nasa kaharian na para kitilin ang buhay dahil sa hindi pa nga tuluyang naipatupad ng hari ang batas laban sa batas ng lolo nito.

"A-ako na lang. H-huwag lang ang anak ko. N-nakikiusap ako sa inyo." Paulit ulit na pakiusap niya pero ni isa man sa mga iyon ay walang pinakinggan ang dating hari na isa ito sa mga sumasaksi kung paano kikitilin ang buhay ng anak nila. Kahit na walang ibang makitang emosyon sa dating Hari ay pilit parin siyang nakiusap dito.

"Ahhhhh." sigaw naman ni Zarim sa kabilang panig. "Lolo." Ang hari na pilit kumakawala sa kadenang doble ang nakahalong wolfsbane para lamang hindi siya basta basta makawala. "Nakikiusap ako sayo lolo. Huwag ang anak ko." Sa harapan ng karamihan ay naisigaw ng hari ang pakiusap nito. Lumuhod pa sa harapan ng lahat habang isinisigaw ang paulit ulit na pakiusap. Hindi na niya alintana ang naging bulungan ng mga sasaksi sa pagpapatupad ng batas sa anak nila ni Ishan.

"Please.." si Ishan na nanghihina na. Hindi pa man bumabalik ang lakas niya dahil sa operasyon sa pagsisilang ay kabilaan na ang hinaharap niyang problema. Ang sakit sa operasyon niya ay hindi alintana dahil mas nasasaktan siyang makita ang anak niya na walang tigil sa pag iyak. "A-ako na lang. M-maawa kayo sa anak ko. N-nakikiusap ako sa inyo. Your highness." Sa dating hari siya nakatingin. Nakikiusap ang mga matang nakatingin dito na sana huwag ng ituloy ang pagkitil sa buhay ng anak nila ng hari.

Pero hindi man lang ito tumingin sa kanya. Hindi pinakinggan ang hinaing niya. Ilang sandali pa ay itinaas ng dating hari ang kamay nito na naging hudyat para ituloy na ang pagkitil sa buhay ng anak nila.

"Noooooo." Sigaw niya hanggang sa wala ng boses na lumabas sa bibig niya. "A-ang anak ko." Hindi na halos niya iyon mabigkas.

Ang malakas na iyak ng anak niya ay unti unting nanghina matapos ipinainom dito ang gamot na may halong wolfsbane.

"Ahhhhhh. A-ang anak ko. A-ama. A-ang anak ko." Nanlupaypay ang katawan niya sa mga bisig ng kanyang ama ng wala na siyang marinig na iyak mula sa kanyang anak. "A-ama. A-ang a-anak ko." Patuloy siya sa pagluha. Paulit ulit niyang binibigkas ang mga katagang iyon hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang katawan niya at lamunin ng kadiliman ang kamalayan niya.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon