GPS SIDE STORY VI: NINETEEN

5.1K 319 51
                                    

¤ISHAN SAFAR BRAHMAN¤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

¤ISHAN SAFAR BRAHMAN¤

¤ISHAN SAFAR BRAHMAN¤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

¤ZARIM BRAHMAN¤

I do not own any of the pictures used in this story. All Credit goes to the artist/ owners of the images.

Natuwa lang akong bigyan ng mukha sina Ishan at Zarim.
Kunwari sila yan.
😁😁
Lalaki yarn, promise.

○○○

"Slowly."

Natigil siya sa pagsubo ng marinig niyang nagsalita ang lalaking tumulong sa kanya.

Hindi na nga siya nito ibinalik sa hospital bagkus tumigil sila sa isang kainan o matatawag bang kainan kung halos lahat naman ang nandoon ay nag iinuman.

Pawang katulad nila ang naroon kaya hindi na siya nabahala na magkamali siya ng kilos.

Muli siyang sumubo ng pagkain. Magkakasunod dahil talagang nagugutom na siya sa ilang araw na hindi siya nakakain ng maayos dahil sa pagtakas niya. Habang ang lalaking tumulong sa kanya ay alak naman ang inorder nito.

"Alpha Vance, naligaw ka yata." Sabi ng isang lalaking lumapit sa kanila.

"Napadaan lamang kami, Alpha Jackson. Nagutom lamang ang kasama ko kaya kami tumigil dito." Walang interest na sagot naman nito sa lalaki.

"Karangalan ng lugar ang paggawi mo dito, Alpha Vance. At ang kasama mo.. ay." Saka siya nito tinignan.

Hindi siya nag abalang tapunan ng tingin ang lalaking lumapit sa kanila dahil sa tuno pa lang ng boses nito ay halata niyang mapagkunwari lamang ito. Ramdam niya na malaki ang iinggit nito sa lalaking tumulong sa kanya.

"Isang omega." Pagpapatuloy ng lalaki na kahit hindi niya tignan ito ay alam din niyang tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Na tila nangmamata.

Matapos nitong banggitin na isa siyang omega ay naamoy niya na nagpakawala ang lalaki ng pheromones nito na tila gusto siya nitong balutan ng pheromones pero hindi niya iyon pinansin dahil wala ng silbi iyon para sa kanya. At hindi man niya maamin sa sarili ay malaki ang naitulong ng pagmarka sa kanya ng hari dahil hindi na siya maapektuhan sa pheromones ng ibang Alpha.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon