GPS SIDE STORY VI: TRHEE

7.3K 347 17
                                        

Halos wala na siyang buhay ng bitawan siya ng hari mula sa pagkakasakal. Habang ang hari ay pilit ding nilalabanan ang nabuhay na init at pagnanasa sa katawan dahil sa pheromones niya na kumalat at bumalot na sa buong silid.

Nahihirapan na siyang huminga. Hindi lang dahil sa pagkakasakal sa kanya ng hari kundi sa heat niya na lalong lumala dahil sa pheromones ng Alpha na nasa harapan niya.

Hindi naman ganito kalala ang heat na nararanasan niya sa mga nakaraang cycle pero kakaiba ngayon ang nararamdaman niya na dinagdagan pa ng pheromones ng isang dominanteng Alpha. Ang pheromones ng haring Zarim.

"Fuck you, Omega." Nasa tuno ng hari ang hindi maitatagong galit dahil sa nalaman na muling inipit ang magkabilang pisngi niya ng isa lang kamay nito. "Kung hindi ka pa dinatnan ng heat mo ay hindi ko malalaman. At alam mo ba kung ano ang kaparusahan ng panlilinlang niyong ito sa akin?"

Nilakasan pa nito ang pagkakaipit sa pisngi niya. Na kung isa lamang siya sigurong babasaging baso ay kanina pa nabasag ang mukha niya sa higpit ng pagkakahawak ng hari sa kanya.

Pawisan na halos ang buong katawan niya. Kumalat na din ang luha sa magkabilang pisngi niya na hindi na din mapigilang tumulo ang laway dahil sa patuloy na pagsiklab ng heat niya na nadadagdagan sa patuloy na pag alpas ng pheromones ng hari dahil sa galit na nararamdaman sa panlilinlang niya dito.

"Ugh! Damn it." Gigil na muling marahas na binitawan siya ng hari dahil sa hindi na nito kayang pigilan ang init na nararamdaman at mas lumakas pa ang pagnanasang lumukob sa buong pagkatao nito dahil sa lakas ng pheromones na lumalabas sa katawan niya.

Sa paningin ng hari ay nakakaakit na siya dahil sa ayos niya, sa halimuyak ng pheromones niya na hindi nito makita at maamoy sa mga omegang nasa chamber lang ng palasyo. Kakaiba ang naging dating niya sa paningin ng hari.

"Beta." Pasigaw na tawag nito sa Beta na pinagkakatiwalaan na agad namang pumasok sa silid kung nasaan sila.

Dahil sa beta ito ay hindi nito alintana ang bumalot sa silid na magkahalong pheromones ng isang omega at alpha. Hindi nila ramdam kung gaano na katindi ang pheromones na pumuno sa buong silid.

"Kumuha ka ng malakas na gamot para sa heat ng Omegang ito. Ikaw na ang bahala sa kanya." Si Haring Zarim na nanggagalaiti parin sa galit sa likod ng pagnanasang kanina pa nito pinipigilan.

Agad namang tumalima ang Beta na muling lumabas at ikuha ang hari ng gamot para sa Omega.

Kung babaeng Omega lamang siguro siya ay kanina pa siya inangkin ng hari at pinagbigyan ang pagnanasang iyon sa katawan nito. Na kung ginawa nito iyon ay baka kanina pa humupa ang heat niya na nagpapahirap sa kanya ngayon.

"Ugh! Uhmmm.. Help me." Si Ishan na halos wala ng lakas pa pero nagawa niyang hawakan ang Hari para pigilan itong umalis "Please." Dahil sa heat niya ay wala na sa isip niya kung sino ang Alpha na pinapakiusapan niya at hindi alintana ang pheromones nito na may halong galit sa kanya.

Kapag ang Omega ay nilamon na ng heat nito ay wala na itong ibang alam sa isip maliban sa gustong maibsan ang init sa kanilang katawan. At kung hindi naman siguro isang dominante ang Alpha sa harap niya ngayon ay hindi siya magiging ganito.

Marahas na naman siyang itinulak ng hari kaya napasadsad siya sa ulunan ng kama.

"Please, help me. I feel hot." Para na siyang nagdidileryo sa init na kumalat sa kanyang katawan. Nagsimula na ring kumilos ang mga kamay para haplusin ang mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan na kahit papaano ay maibsan ang paghihirap dahil sa dalaw ng kanyang heat.

Marahas ang paglunok ng hari dahil sa nakikitang ayos niya ngayon, lalo na at nakikita na ng hari ang ilang bahagi ng katawan niyang dinadama ng sariling mga palad.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon