GPS SIDE STORY VI: THIRTY

3.8K 270 113
                                    

"Kumikilos na ang lolo." Si Karrim ng tawagan niya si Zarim.

"Ano? Kailan pa?" Nakaramdam naman ng pag aalala si Zarim dahil sa ibinalita nito.

"Kanina lamang." Matipid na sagot nitp. "Kumusta ang mga plano? May nagbago na ba?"

"Umaayon na halos lahat sa akin. Ilang pagdinig na lang ay baka tuluyan ko ng maipatupad na tanggalin ang batas ng lolo."

"Kung ganun ay dapat magdoble ingat tayong lahat. Hindi nagugustuhan ng lolo ang nangyayari kaya nagsimula na siyang kumilos bago mo pa iyan maipatupad."

"Oo. Bantayan niyo siyang mabuti. Babalitaan kita agad kapag may nagbago sa mga plano natin." May galit man siyang ibinaba ang telepono dahil sa kanilang lolo ay hindi siya pinapanghinaang ng loob lalo na at napapagtagumpayan niya ang lahat.

"Kaunti na lang. Hindi ko kayo susukuan." Mahinang saad niya habang nakatingin mismo sa ibinabang telepono.

Sa bawat araw na dumadaan ay hindi siya nag sayang na kumbinsihin ang ilan pang taliwas sa kanyang mga plano pero ang ilan talaga ay matigas ang paninindigan at kumakapit pa sa kanyang lolo na doon mismo siya nahihirapan.

Lalo na ngayong ibinalita sa kanya ni Karrim na kumukilos na ang kanyang lolo. May alam na ito kung bakit niya gustong gusto ng matanggal ang batas na iyon sa kaharian.

"Huwag mo lang sasaktan ang mag ina ko, lolo. Dahil kahit ikaw pa ang naglagay sa akin sa tronong kinaluluklukan ko ay hindi ako magdadalawang isip na saktan kayo para lamang sa kaligtasan ng mag-ina ko." Mahina pero may diing saad niya habang kuyom ang mga kamao niya.




"Ayos ka lang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Fan sa kanya habang nasa hardin siya ng palasyo. Ilang araw na lang bago ang naitakdang araw ng panganganak niya.

Halos hindi na siya makagalaw ng maayos dahil sa laki na ng tiyan niya.

"Ayos lamang ako, Fan."

Ngumiti siya. Nagagawa na niyang ngumiti dahil sa magandang balita na naririnig mula sa kaharian. Malapit na ang huling pagdinig sa isinasagawang batas ni Zarim. Ayon kay Karrim ay tuluyan ng bumigay ang ibang mga tumataliwas sa batas. Ilan na lang daw ang natitira sa mga iyon at wala ng magagawa pa laban sa pag aalsa sa gusto ni Zarim.

Kaya naman nakahinga siya ng maluwag at nawala na ng kaunti ang takot niya dahil sa balitang iyon na galing sa kaharian.

"Ganyan nga, hindi mo kailangang borohin ang sarili mo sa loob lang ng silid mo. Sabi naman sayo na kayang gawan iyon ng paraan ng hari."

"Tama ka." Magaan ang loob niyang makipag usap dito na halos ito lang naman ang nakakausap niya sa loob ng palasyo.

Sinamahan siya sa paglalakad habang tulak tulak nito ang stroller ng triplets nito. Akira, Yui at Zahra ang pangalan ng tatlo na lagi nitong ipinapasyal sa hardin ng palasyo sa tuwing wala din itong ginagawa.

Iyon na ang nakasanayan nila simula ng makatanggap sila ng magandang balita mula kay Zarim. Hindi na nga niya binoro ang sarili sa pagkukulong sa kanyang silid.

At kahit mabigat na ang katawan niya ay sinusubukan parin niyang mag ehersisyo. At isa na doon ang paglalakad sa malawak na hardin ng palasyo.

Habang abala naman sina Fan at Ishan sa paglalakad lang sa hardin ay sa labas naman ng mataas na bakod na nakapalibot sa palasyo at sa hindi kalayuan ay abala na naman sina Karrim sa pagpigil sa mga tauhan na inutusan ng lolo nito.

Hindi parin tumitigil ang lolo nila na kunin si Ishan at ibalik sa kaharian para masaksihan ang pagsilang nito. Na kung omega man ang isisilang ay ipapatupad parin nito ang batas habang hindi pa tuluyang nagtatagumpay si Zarim.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon