GPS SIDE STORY VI: TWENTY-TWO

4.5K 348 124
                                    

"Basta? Look, I'm a business man and a writer at the same time. That's mean I'm a busy person. Hindi pwede 'yung papetik-petik lang. Kung ayaw niyang gawin ang trabaho niya, he's fired!"

Napalabi si Ishan habang nakikinig lang siya sa usapan habang nasa tabi lang niya si Vance.

"You heard that, lord dos?"

"Loud and clear."

"Nagkaroon ka nga naman ng ex-husband na high blood at mabunganga." hindi niya mapigilang sabihin iyon kay Vance.

Sa ilang araw na pagmamasid nila sa dating asawa nito ay napagtanto niyang wala namang kaibig-ibig sa ugali nito. Maliban sa mabunganga ay hindi naman ito kagandahan.

Hindi sinagot ni Vance ang sinabi niya na nanatiling nakatingin sa malayong imahe ng ex-wife nito.

"Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya? He's just a nerd guy." Dagdag pa niya na nakaramdam siya ng inis dito dahil kahit hindi man nito sabihin ay patuloy parin itong nagmamahal sa dating asawa. Iniwan na nga siya lahat lahat pero nasa mga mata parin nito ang umaasa.

"Kailangan ba may dahilan kapag nagmahal ka?" Kunot ang nuong balik tanong nito sa kanya.

"Tinutulak ka na niya palayo, that means he don't love you anymore. Nagmumukha ka na lang tanga nakakahabol sa kanya. Just forget him and leave him alone." May pagkainis na muli niyang sabi pero hindi naman nito napansin ang naging tuno ng boses niya.

"My half of life is in him." Maikli nitong sagot na nakapagpatitig sa kanya dito. Nakikita niya sa mga mata nito ang kislap na nagsasabing mahal na mahal nito ang dating asawa.

"So what?"

Nilingon siya nito. "I love him. I still do. Nothing's changed and we still have the bond that still connects us."

"Ang tanong mahal ka ba?" Tanong niya kasabay ng pag arko ng kilay niya.

''Yung kotse ni Mr. Naisell!" Naputol ang naging usapan nila ng kalabitin ito ni Uno at makita nila ang Porsche ni Rafael na lumabas mula sa tarangkahan.

"It's Fuentebella. Isa pang Naisell mo, dudugo na 'yang bunganga mo!"

Mabilis na binuhay ni Vance ang makina ng sinasakyan nila at sinundan ang kotse ng ex-wife nito na umabot ng halos kalahating oras.

"Uno." tawag ni Vance dito habang tahimik lang siyang nakamasid kay Vance habang nangunot na ang nuo sa haba ng oras ng pagsunod nila sa kotse ng dating asawa nito.

"Lord dos?"

"Nasabi ba niya kung saang meeting siya pupunta?"

"Hindi ho." mabilis nitong sagot.

Binilisan ni Vance ang pagmamaneho para unahan ang sasakyang sinusundan nila. Nang maharangan nila ang sasakyan nito sa daan ay bumaba si Vance at kinatok ang bintana ng driver seat. Nang silipin nito ang loob ay hindi nito nakita si Rafael.

Galit na kinuwelyuhan nito ang driver "Where the hell is he?"

"H-he rode is in another car, sir." Takot na sagot ng driver.

"Fuck!" Narinig niya ang malakas nitong pagmumura na sinundan ng paghila sa driver pababa ng sasakyan at sumakay ito doon. Bahagya pa siyang nilingon ni Vance ng sumakay na din siya.

"Mag-hiwalay tayo! Hanapin niyo siya!" galit na utos nito kay Uno na hindi na pinansin ang paglipat niya.

"Dos!" tawag nito mula sa earpiece.

"Lord dos."

"Track him!"

Pinagsusuntok pa nito ang manebela habang nagmamaneho. Naiiling na lang siyang nakamasid dito dahil nakita niya kung gaano ito nag aalala sa dating asawa. Lihim siyang nagpakawala ng malalim na paghinga.

✅Escaping the King's Confinement (GPS-SIDE STORY VI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon