Chapter 33

2.5K 52 0
                                    


Kathryn's Point Of View


Nagiimpake ako ng mga gamit namin dahil  bukas na ang flight namin pabalik ng Pilipinas. Bitin sembreak hype yan. Kailan kaya hahaba yung sembreak ng mga estudyante? 


"Bes, tapos kana mag impake?" Tanong ni Ella na kakapasok pa lang ng kwarto. Saan kaya galing tong babaeng to? Nakipag date? Hmm. "Not yet, pero matatapos na. Why?" Iiling iling naman sya na parang baliw.  


"Nothing, just asking if you're done. Isang oras ka na kasi dyan eh." 



"Seriously, Ella? Isang oras na talaga ako dito?" Tumawa naman sya, luh baliw. 



"Kidding,  mga half an hour pa lang naman Kath." Tapos tumawa ulit sya. Binato ko sya ng medyas na nakarolyo na nakita ko lang na pakalat kalat dito sa kwarto. Kanino kaya yon? Burara naman nong may-ari non. "May sira ka na ba sa utak Ella? Tawa tawa ka dyan? Masyado ka atang masaya ngayon. Tapos kana ba mag impake ng mga gamit mo?" Tanong ko tinawanan nya naman ako ulit. Yung totoo talaga? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Mamaya kaya ipa-check up ko to dito sa Hong-Kong, mas maganda na dito sya ipa-check up.


"Tapos na ko no, ako pa ba? Kanina pa kaya ako tapos." Nag-'Ahh' na lang ako sakanya at nag patuloy na sa pag iimpake.  Tiniklop ko yung mga natitira kong damit at nilagay sa loob ng maleta ko. "HOO! Finally tapos na din ako" Tinabi ko muna yung maleta ko bago ako lumabas ng kwarto namin. 


Paglabas ko mukha ni Dj yung nakita ko. Wearing his famous smirk that makes him more  hotter. Why Dj? Kailan ka ba pumangit? My gosh. Araw-araw ka na lang pogi ah, nakakaloka. Lalo tuloy akong na iinlab, charot. Harot, Kath. Eh kung ganto ba naman araw-araw bubungad sakin edi ang ganda ng araw ko.


"Uy Kathryn Chandria matunaw naman ako sa mga titig mo. Pogi ko no? Crush mo na ko?" Sinabi nya yan ng nangaasar. Gusto ko sanang sabihin na 'oo' kaso wag na lang baka lumaki ulo, ahehe. 


"Kapal ng mukha neto, ako my crush sayo? In your dreams." Sabay tabig sakanya at naglakad papuntang kusina. Nakasunod pa rin sya sakin habang nag lalakad ako, haba ng hair Kath  sinusundan ka nya. Pero may pag ka-assumera ka din Kath. 



kumuha ako ng tubig sa ref at umupo sa table. OO sa table talaga. Sorry di uso upuan sakin. Tumingin sakin si Dj na parang na wi-wirduhan sya.  


"Huwaw naman maka-upo sa lamesa NAMIN, bahay mo to? bahay mo to?" Sabi nya inirapan ko lang naman sya at hindi na pinansin. Pabebe Kathryn: On. Nakita ko naman si Daezen na papuntang Ref na kumuha ng cake. Gutom nanaman tong babaeng to. Lagi naman, mag sama sila ni Cheska parehas silang laging gutom. 



"Uy Kath, sineryoso mo talaga yung feel at home no? Grabe maka-upo, kala mo bahay nya." Sabi ni Daezen, di ko lang din sya pinansin kagaya kay Dj. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa lamesa at nilagay sa sink yung baso na ginamit ko. Sinagga ko pa yung braso ni Dj, hinawakan nya naman ako sa kamay. "Anong problema mong babae ka at sinagga mo yung braso ko?" Tanong nya, di ko lanng ulit sya pinansin kaya hinawaka nya na ako sa dalawa konng braso. 

My idol, my PROFESSOR? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon