Chapter 13

2.7K 80 0
                                    

Daniel's POV

This is it! This is really is it! Ilang oras na lang at isang ganap na asawa na ako, joke! Darating tayo dyan. Pag nagkatuluyan na kami ulit.

Pero seryoso, magiging professor na ako later.

Nag ayos na ako ng sarili ko at bumaba para maka-kain na. Pagbaba ko nakita ko si mama na titig na titig sa screen ng tv. Anmeron? "Oh ma! Seryoso natin ah" sabi ko. "Tignan mo to anak" sabi nya. Tinignan ko naman yung pinapanuod nya, balita yon at ako ang nasa balita. Yun yong araw ng mallshow ko,

"Daniel Padilla, nag quit nga ba sa pagaartista para sa isang babae na mahal na mahal nya?" Sabi nung reporter. Hindi ko na lang pinansin yun dahil totoo naman talaga.

Kumain na lang ako at nag toothbrush pagkatapos.

Nagpaalam na ako kay mama na aalis na ako dahil baka malate pa ako sa first day ko. Kasama ko rin sila Magui dahil dun nga sila mag aaral diba? Kaya yun. Sumakay na kami ng kotse at pinaandar ko na yon.

Pagkarating namin ng SJU, hinatid ko muna sila sa room nila. 4th year highschool na si Magui at grade 6 pa lang si Lelay. Pagkahatid ko sakanila ay nag lakad na ako ng hallway.

Marami rami na ring nag kalat na estudyante kaya medyo pinagkaguluhan ako. Buti na lang at marunong talagang umintindi ang mga fans ko at pinapalakad na naman nila ako ng maayos.

Nag tungo ako sa office ni sir. Mario, ang school principal ng SJU. Nginitian nya agad ako pagkapasok ko ng office nya, nginitian ko rin naman sya pabalik. Umupo muna ako sa kaharap nyang upuan.

"Mr. Padilla! It's nice to see you again, this is your first day. Hope na maging mabuti kang guro. 4th year college, Alexandrite ang magiging advisery mo." Sabi nya.


Nagusap lang kami saglit at lumabas na agad ako ng office nya at naglakad papuntang faculty room. Medyo malapit na ako dun ng magkumpulan ang mga estudyante, lumapit ako sa isang estudyante at para naman syang na estatwa sa kinatatayuan nya. "Da-daniel Pad-padilla?" Bulol bulol nyang tanong. Nginitian ko sya at tumango. "Hi. Bakit sila nag kukumpulan? May problema ba?" Tanong ko.


"Normal na po talaga yan dito sa SJU tuwing first day at ngayon po ay nandito ang F5 kaya po ganyan" Sabi hya. Nagtaka naman ako sa F5, "F5? Ano yun?" Tanong ko.

"Grupo po yun. 3 silang babae at dalawang lalaki, pero madalas nilang kasama yung kapatid nung isang babae kaya mas marami ng nagkukumpulan dito" Paliwanag nya. Napa-'Ahh' na lang ako. Nagpapicture muna sya bago ako makaalis doon.


Pumasok na ako sa faculty room. Gulat pa sila ng makita nila ako, medyo lang naman dahil kilala at kilala naman na nila ako kaya hindi na masyado.

Pumunta ako sa mga lockers at nilagay dun yung iba kong gamit. Kinuha ko ang class schedule ko at 8:30 ang umpisa nito. 8:20 na kaya lumabas na ako doon at pumunta ng 4-Alexandrite.


"Good morning class!" Bati ko. Nagsitayuan naman sila at hindi agad nakapag salita dahil siguro sa gulat. Ang tatangkad nila kaya hindi ko masyadong makita yung mga estudyante sa likod. Hayaan na muna yun, makikilala ko rin sila.


"Say present if you are here" Sabi ko. Nagtawag ako ng pangalan.

Hanggang sa, "Kathryn Bernardo"

Srsly? Totoo talagaaaa? Tadhana nga naman oh.


___________________________________________

Done!

Vommnt guys?

My idol, my PROFESSOR? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon