Prologue

538 25 0
                                    







Lumaki ang mga mata ng walong taong si LJ ng maramdaman ang pag sipa ng sanggol sa loob ng tiyan ng mommy nya. Humahagikgik nyang idinikit ang tenga sa malaking tiyan nito at pinilit dinigin ang kapatid nya sa loob.

"Mommy she's moving!" May excitement na turan nya. Mahinang natawa ang mommy nya at tumango.

"Because she can't wait to finally meet you" Niyakap ni LJ ang tiyan nito at sa utak nya niyayakap nya na ang kapatid na dipa isinisilang.

Nag hum sya ng mahinang kanta na itinuro sa kanila kanina lang ng favorite teacher nya sa school. Isa yon sa natutunan nyang gawin kapag ganitong napaka tahimik ng mommy nya.

Pinag masdan nya ito at kahit na sa batang pag iisip pansin nya ang kalungkutang madalas lumarawan sa mukha nito. Kasama rin doon yung pagkakataong na aabutan nya itong umiiyak.

Sa musmos na edad, napag aralan ni LJ na mag basa ng emosyon ng tao at gawi at kilos ng mga ito. Dahil walang nag sasabi sa kanya ng kahit ano. Siguro iniisip din nilang di nya maiintindihan pero nagkaka mali sila.

Ilang mga araw bago pa ipanganak ang kapatid nya madalas dumalaw sa bahay si tito Markus, ito ang magiging daddy ng kapatid nya. Pero hindi ito ang daddy nya.

Medyo magulo ang mga bagay bagay ng mga panahong iyon. Pero alam nyang mabuting tao ang daddy nya at namatay ito sa isang aksidente ng bumagsak ang eroplanong sina sakyan papa uwi sa kanila.

Kapag pumapasok sa alaala nya ang kanyang ama, marami ng pagkakataon na ipinag darasal nyang sana. Ito nalang din ang daddy ng kapatid nya. Kasi iba si tito Markus. Palagi nitong ina away ang mommy nya, palagi silang nag sisiagawan kapag akala nila'y di nya naririnig.

Hindi rin ito nakatira sa kanila at madalang pa sa patak ng ulan kung bumisita. Isa yon sa mga rason kung bakit nya madalas nakikitang umiiyak ang mommy nya. Diman sabihin pero alam nya.

"Tito Leon ano ba ang kerida?" Tanong nya habang kinu kulayan ang prinsesa sa librong kabibili sa kanya.

"Saan mo naman narinig yan?" Balik nito.

"I heard it the other day. Tinawag yon nung babaeng pumunta sa bahay kay mommy" Kumunot noo ito.

"That's not a nice word LJ. Kailan pumunta yung babaeng yon sa bahay?" Napa isip sya, alam nyang di rin naman nice yung babae kasi inaway nito ang mommy nya.

"I dunno but I know that she made mommy cry. Sabi nya sakin LJ don't tell this to tito Leon. But I wanted you to know" Hinaplos nito ang buhok nya.

"You did the right thing, kakausapin ko mamaya ang mommy mo. Tandaan mo LJ na tayo ang protector nya ngayong wala na ang daddy mo" Ilang beses syang tumango.

Itinatak na nito ang bagay na iyon sa musmos na utak nya. Kaya palaging una sa kanya ay ang mommy nya, una nyang iniisip ang mga pwede nitong maramdaman at maging reaksyon.

Ilang gabi pa ang lumipas at dina bumibisita si tito Markus. Para sa kanya wala namang halaga iyon, si tito Leon at mommy lang ang importante pero ng dahil din sa bagay na iyon halos di na maka usap ni LJ ang mommy nya.

Mas nais nalang nitong mag kulong sa kwarto at mag mukmok. Alam nya ring umiiyak ito doon at halos dina maka kain.

Sa pag lipas pa ng mga buwan, mas namayat ang mommy nya at nagkaroon pa ng pagkakataong dinugo ito. Labis na stress daw ang dahilan noon sabi ni tito Leon.

"It's all his fault LJ. She's suffering because of him. I hate that guy" Nag tatagis ang bagang na turan nito. Natatakot sya kapag ganito na ang itsura ng tito Leon nya.

Noon nya lang din nakitang galit na galit ang tito nya. At dahil mommy nya ang pinaka importante napuno rin ng poot ang puso nya para sa taong nag dudulot ng sakit dito.

Kinabukasan nagising sya sa malakas na sigawan sa salas nila. At pag labas nanlaki ang mga mata nya ng makitang hawak sa buhok ng babaeng salbahe ang mommy nya.

Sinubukan nyang maki awat pero dahil sa mukhang nawala na ng tuluyan sa katinuan ilang beses syang naitulak ng mga ito.

Tumakbo sya papunta sa telepono at kaagad na tinawagan ang tito nya. Sumagot naman ito ng mabilis.

"Tito Leon you need to come here quick!" Sa narinig dina kailangan pa ng paliwanag nito.

Napuno ng takot ng puso nya ng makitang may dugong umagos sa binti ng mommy nya ng ilang minuto pa itong saktan ng babae. Nag init ang mga mata nya at noon lang sya nagalit na wala syang magawa.

"Wag na wag ka ng magpapa kita samin! Layuan mo ang asawa ko, magkaroon ka man lang sana ng awa sa sanggol na isislang ko" Turan ng babaeng ngayon lang din napansin ni LJ na buntis.

Naiwan si LJ at ang mommy nya sa tagpong iyon,

Pag dating ng kanyang tito Leon kaagad nitong isinugod sa hospital ang mommy nya at ang buong akala ni LJ magiging ayos lang ang lahat. Malakas ang mommy nya at di basta basta sumusuko sa kahit ano pang pinag daraanan nito.

Ilang oras ang hinintay nila at ng sabihan sya ng kanyang tito Leon na iuuwi muna sya. Di sya pumayag hanggang di nya kasama ang mommy nya, sa tagal nito sa loob ng operating room naka tulog na syang buhat ng tito nya.

Nagising lang sya ng marinig nyang umiiyak ang tito Leon nyang pinaka matapang sa lahat. Umiiyak ito habang yakap sya, kinusot nya ang mga mata at tinignan ito.

"Bakit ka umiiyak tito Leon?" Nakita nya kung paano ito humugot ng hingang malalim.

"Wala na ang mommy mo LJ" Dahil sa antok napa kunot noo sya at di maintindihan ang sinabi nito.

"San sya pumunta?" Inosenteng tanong nya.

"Kasama na sya ng daddy mo" Lalong lumalim ang kunot sa noo nya.

At ng lubos na maunawaan ang lahat, umiling sya ng pa ulit ulit hanggang sa mahilo sya sa ginagawa. Bumalik nanaman sa pag iyak ang tito nya at mas humigpit ang pagkaka yakap sa maliit na katawan nya.

"Hindi tito, nasa loob lang si mommy at gagamutin sya ng mga doctor doon. Nag promise sila sakin kanina." Hindi ito sumagot. Nag init ang mga mata nya at nagkaroon sya ng labis na pagnanais na makita at mayakap ang mommy nya.

"Okay lang si mommy, mamaya lang makikita na natin sya tito. Wag ka ng umiyak" Pag aalo nya rito.

"Wala na sya LJ at ang may kagagawan nito ay yung Markus na iyon. Kundi dahil sa kanya buhay pa ang ate ko ngayon. Kasalanan ito ng pamilya nya!" Nagulat si LJ sa biglang pag taas ng boses nito.

Naiyak sya at kahit dipa maintindihan ng mabuti ang mga pangyayari. Nagalit sya, nagalit sya sa mga taong may kagagawan nito.






Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon