Chapter 19

135 12 0
                                    


Bumalik ang tingin ko sa bahay at di parin ako maka paniwala sa nangyari. Nag lakad ako at dina pinansing napaka nipis ng t-shirt ko. Wala rin akong pang yapak.

Narinig ko from a distance yung malakas na halakhak ni Demi, so hinanap ko sya. Nakita ko syang naka upo sa buhangin at naka sandal sa puno ng niyos. Dahil nasa backyard lang nung bahay yung malawak na karagatan.

May pina panood sya sa cellphone, kaya dahan dahan akong lumapit at tinakpan ang mata nya.

"Hulaan mo kung sino" Pinilit ko pang ibahin ang boses ko.

"Hmm yung best friend kong baliw na baliw kay--" Bumaba sa bibig nya ang kamay ko.

"Demi! Marinig ka ni Trinity nyan eh" Reklamo ko pag upo sa tabi nya.

"Wala sya kaya wag ka ngang guilty dyan" Sinuyod ko ng mata ang kabuuan ng lugar at tiniyak na wala nga si Trinity bago ko naisip mag sabi kay Demi.

"Feeling ko type ako ni Cece" Mahinang bulong ko, tumaas ang isang kilay nya.

"Whaaat? Diba masyado ka ng feeling nyan?" Nag kibit balikat ako.

Sa tabi ng kumot na inilatag nya rito para maging upuan, hinukay ko yung shell na naka baon sa buhangin.

"Kanina kasi, I think she's flirting with me. Diko mabilang kung ilang beses nya akong sinabihan ng, you're really pretty Frankie" Ginaya ko pa yung pagkaka bigkas ni Cece.

"Pretty ka naman talaga pero di meaning lahat may crush sayo" Walang buhay ko syang tinitigan.

"She tried to kiss me" Napa nganga sya at sandaling natahimik.

"No way, there's no way" Tumango ako ng ilang ulit.

"Yes waaay, as in! Kung di ako umiwas baka ginawa nya na akong miryenda" Natawa sya, siguro ng lumitaw yung takot sa boses ko.

"Iba ang kamandag mo. Haist, if she's really into you, edi wala tayong dapat ika bahala." Kanina ko pa naman alam yon. Pero di parin ako komportable.

"Sobrang straight forward nya. Para syang si Dawn" Sumandal ako sa katawan nya at nang hina.

"Kawawa naman ang best friend ko, masyado kasing maganda. Sana all nalang" Sinimangutan ko lang sya.

***

Bumalik kami sa bahay malapit mag six pm, nasa salas naman si Trinity na ngumiti ng malaki pagka kita samin.

"Kanina ko pa kayo hinahanap" Sabi nya.

"Tumambay lang kami dyan sa malapit" Sagot ko, hinatak nya kami sa kusina kung saan naka ready na ang hapag.

Naka apron si Sir at may ngiti kaming in-invite na maupo na. Magkaka tabi kami nila Trinity, habang yung dalawang bakanteng upuan ang katapat namin.

May inkling na akong iyon ang magiging pwesto nila LJ. Hinintay ko nalang na lumitaw sila. At pinilit ihanda ang sarili ko.

"Trin nasa na sila LJ?" Tanong ni sir na ready ng mag start sa pag kain.

"Napa sarap nanaman malamang ang tulog ni ate. Wait tatawagin ko lang" Hinawakan ko ang kamay ni Demi sa ilalim ng mesa.

"Bakit?" Bulong nya.

"Kina kabahan ako" Balik ko.

"Bakit naman?" As if dipa obvious.

"Makikita ko si LJ" Nag ikot sya ng mata.

"Frankie, wag ka ngang OA dyan, saka dika guilty. Hindi ka naman nag cheat eh, kayo ba para magalit sya?" Napa tiim bagang ako at hinigpitan ang kapit sa kamay nya.

Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon