After ng gabing iyon ilang araw ang lumipas na diko nakita at naka usap si LJ. Di sya pumupunta sa orphanage at wala syang kahit na isang message or calls sa cellphone ko. Pero wala akong ginawa.
Siguro dahil sa till now ginugulo parin noong usapin pagdating kay Lena ang utak ko at diko rin sya gustong maka usap. Kasi diko man kailangan parang nagiging therapist ko sya kapag mag uusap na kami.
Saka gusto ko syang bigyan ng space,ayoko syang masakal sa presensya ko. So kung wala syang balak na tawagan or puntahan ako hahayaan ko na muna sya. Wala pa kaming napag kasunduan pero alam kong kapag gusto nya akong makita pwede nyang gawin gayunpang diko naman sya tinataguan.
"Maganda na ito" Komento ko kay ate Florence.
Nasa venue kami kung saan idadaos ang engagement party nya na sa ngayon ay wala ng makaka pigil. Bukas na ang selebrasyon at on high alert ang ate ko pati narin yung ibang tao sa bahay para sa mga preparations.
"How about this one? Sa tingin mo dapat bang lagyan ng bulaklak ito?" Hindi ko na alam kung ano pa ang gusto nyang marinig kung pare pareho lang naman din ang itsura para sakin.
"Umh, mas maganda siguro yung may bulaklak." Tumango sya. Sinabi kolang yon para matahimik na sya at makapag decide.
"Nasaan na sila Demi? Sure kaba sa competency nung cake designer na kilala nya?" Nag pla-plano palang sila ate ng party na kwento na namin ni Demi yung pinsan nyang baker at expert sa maganda at masarap na cake.
Sa araw araw na pag kwe kwento namin ni Demi sa kanya about doon sa skill ng pinsan nya napa payag namin si ate na ipinag katiwala kay Demi yung cake.
"100 percent, dika mag sisisi doon." Sagot ko naman.
"Tumawag na ba si Crystal? Okay naraw ba yung tiyan nya?" Kasama pa ito sa naging additional na stress nya, si ate Crystal kasi kahapon pa di maka tayo sa sakit daw ng tiyan nya.
Nag aalala si ate at parang di nya pa gets na kaya sumasama ang pakiramdam ni ate Crystal ay dahil sa selos na kumakain sa insides nito. Kaya dina malaman ni ate ngayon kung paanong ikot ang gagawin nya para bigyang solusyon ang bawat problema
"Hindi kopa alam, constipated lang yon. Malaki na sya ate." Inabutan ko sya ng tubig na dinala ng mga maids.
"I don't know why but I'm nervous just thinking about what might happen tomorrow." Pag amin nya.
"Come here for a second. Let's breath. Para mawalan na yang nararamdaman mong stress." Payo ko at napapagod na akong panoorin syang magpa balik balik para siguraduhing perpekto ang bawat detalye.
"I guess I can try that." Sumandal sya sa likod ng sofa at pumikit.
"Just think na magiging successful ang lahat. Alam ko yon ate kaya just believe,okay?" Hinilot ko ang sentido nya at minasahe kolang ito ng ilang minuto.
Dumaan ang kapayapaan naka hinga akong maging relax sya. Sabay kaming napa balikwas ng mag ring ang cellphone ko. Nagpa salamat sya at tumayo para bumalik sa pag aayos ng venue. Sinagot ko naman ang tumatawag na di naka register.
"Hello?"
"I'm here" Kumunot noo ako.
"LJ? You're where?" Takang balik ko.
"Sa labas ng bahay nyo" Napa tayo ako sa pagkaka upo at tumanaw sa labas ng mataas na gusali.
"Wala ako sa bahay ngayon. Nasa hotel kami ni ate inaayos namin yung venue ng engagement nya." Narinig ko yung pagka buhay ng makina.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...