"Kailan mo ako balak na isama sa study session nyo? Matatapos na ang sem, aba naman" Ungot ni Demi.
Sinubukan kong alisin yung pagkaka kapit nya sa braso ko dahil balak nya pa yatang mag lambitin kahit pa di sya kagaanan.
"Demi ma bo bored kalang. Lalo na pag nag start syang grade-an yung mga ginawa mo. Para ngang lalo lang akong na stress na maging tutor sya eh" Medyo ungrateful ako kung maririnig pero totoo lang ang sinasabi ko.
"Sus okay lang sakin yon, kahit na pagalitan nya pa ako maya't maya" Naupo ako sa malapit na bench kung saan namin napiling gawin yung ibang design para sa bagong plan na malapit narin ang deadline.
"Madaling mag salita" Balik ko saka inilabas na ang sketch pad ko.
Eco friendly na modern type house ang napili ni Demi. Dahil partner kami isa ito palagi sa trabaho nya, iginuguhit ko naman lahat ng ideas nya. Mabuti nalang din at binigyan kami ng kalayaan ng prof namin dito.
Ang mahalaga lang ay cost effective lahat ng materials na maaaring gamitin. So ilang araw narin kaming nag bre brain storm at diko na mabilang kung ilang beses kaming nag palit ng design.
Yung ibang grupo nga nag sisimula na sa pag bi build pero kami nasa drawing parin. Kaya napaka hectic ng sched namin nitong mga nakaraan.
"Try nating powered by solar lahat?" Nanlalaki mata nyang turan na parang the best idea na yon.
"Alam mo ba kung gaano ka expensive yon? Mai pre present mo ba sa harap ng panel yan?" Bumuntong hininga sya saka nag krus ng braso.
"Eh parang exciting yon. Kasi medyo mahal sa una pero once na dina gagamit ng electricity, sobra namang makakatipid" Itinigil ko for a second ang pag gu guhit.
"Babe ang sinabi cost effective yung mga materials sa pag buo nung bahay. Pero dina sakop doon yung magiging daily life nila" Ngumuso sya.
"Fine I'll think of something cheaper for the construction then ,add natin yung solar kapag kaya pa?" Tumango ako, hindi ko sya kayang hindian lalo na't forte nya ang pag ba budget.
Nalibang kami sa ginagawa at dina napansin ang paligid for the mean time. Till sa mag start yung pag patak ng ulan sa sketch pad ko.
Nagmamadali naming inipon lahat ng gamit namin at tumakbo sa tabing building kung nasaan din ang ibang mga estudyante.
"Sa bahay nalang natin ituloy? What do you think?" Bulong nya sa tenga ko.
"May tutor sesh kami ni LJ mamayang 5" Sagot ko naman.
"Ano pa bang kailangan mong malaman? Eh diba tapos mo na lahat ng essays na kailangan mo?" Kumibot kibot ang labi ko, nanliit ang mga mata nya sa nakita.
"Nasanay na ako na makita sya araw araw. I dare to dream na date iyon" Napa sandal sya sa pader at nag krus ng braso.
"Ang kapal mo ha, may oras ka pang lumandi? Next week na yung deadline natin at nasa drawing parin tayo Frankie!" May kalakasang sabi nya na ikina tingin samin ng iba.
"Sshhh! Wag ka ngang sumigaw dyan, ilang minuto lang naman yon eh. Then fine papa hatid ako kay Dawn sa bahay nyo pagkatapos" Wala na akong nagawa, alam ko rin kasing na pre pressure na sya.
"Eh kung isama mo nalang ako? Kahit na doon lang ako sa tabi?" Nag lakad ako palayo sa kanya ng makita ang unti unting pag tila ng ulan.
Habang naglalakad kinu kulit nya parin akong isama sya pero di ako pumayag. Sure ako na mag iingay lang sya at guguluhin kami, wala pa naman syang self control madalas.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...