"You're beautiful Lena" Puri ko ng lumuhod para maikabit ng maayos yung ribbon nya.
"Fenk you mama" Ngumiti ako at hinalikan ang pisngi nya.
"Manang mana ka sa daddy mo" Singit ni Demi na kanina pa nasa tabi ko.
"Fenk you daddy" Napa "aww" si Demi at walang salitang binuhat si Lena na humagikgik sa tuwa.
Habang pinagmamasdan ang tatlong taon, I've known this child for only a month without her saying a word or asking for anything. I'm certain that all I want right now is to keep her safe. Gagawin ko ang lahat para manatili syang laging naka ngiti.
"Kuwanan mo sya ng litrato kapag nandoon na sya" Ilang minuto nalang bago mag start yung performance ng mga bata na pati ako kinakabahan.
"I'm ten steps ahead of you. Puno na nga yung memory ko paano puro picture na ni Lena" Nag lakad kami habang buhat nya parin ang baby namin na matatawag nya.
"Okay, mabuti naman. Let's find ate Florence para makita nya rin si Lena." Ito ang pinaka unang pagkakataong kong maipapa kilala sa kanila ang bata na madalas maging topic ng kwento ko.
Balak korin kasing kausapin si daddy about dito. Kaya kailangan pati sila ma fall kay Lena para di nila maisip na tumanggi, dahil absurd mang matatawag. Buo na ang decision ko.
"Sigurado kana ba talaga?" Tanong maya maya ni Demi.
"Isa ito sa naging desisyon ko na alam kong diko pagsisisihan." Tumango lang naman sya in understanding.
Makulay ang buong orphanage, kaninang kadarating namin diko pa ito nakilala. Diko in-expect kung gaano ka ayos at kaganda ngayon ito mula sa pagiging simple. Gayung hindi malaking pera ang ginatos nila. Lahat din ng mga tumulong dito ay mga volunteer na mas nagpapa saya sakin.
Katunayaan lang kasi iyon na may pag asa pa ang sangkatauhan. At mas lalong masarap sa pakiramdam na lahat nag tulong tulong para sa mga batang ito.
Nag init ang mga mata ko, pinigilan ko ang sarili kasi ayaw kong mag drama. Umiling iling ako then nahagip ng mata ko si ate sa tabi ng stage kasama nya si fiance at ate Crystal. So wala pa man, I can already imagine how awkward that was.
Si Demi nga na katabi ko nag halt ang pag lalakad at naka ngiwing tumingin sakin. Nagbago ang isip kong kausapin si ate,siguro pwede naman mamaya. Pero huli na ng makita nya ako at tawagin.
"Ayoko dyan, ikaw nalang" Pinigilan ko si Demi ng subukan nyang iwan ako.
"Baliw ka ba, bitbit mo si Lena." Bago pa sya makapag react nasa harap na namin sila ate.
"I really can't believe that you're a part of this,Frankie. Ang cute pa nung mga drawing ng mga bata na nakwento ni ate Zen na tinuturuan mo. Pwede kang mag teacher Frankie." Puri nya, naisip din kasi nilang ilabas yung mga naka dikit na drawing ng mga bata. Pati mga picture namin nandoon.
"Salamat te, bakit pala sinama mo silang dalawa?" Tanong ko sa maliit na boses, lumingon sya kay ate Crystal na nakikipag stare down kay Eugene na di rin papatalo. Kanina pa masama ang tingin nila sa isa't isa.
"Malamang invited si Crystal at si Eugene napaka clingy this last few days kaya diko sya maiwan." Gusto kong mag ikot ng mata ng ma alala ko si Lena.
"Ate I want you to meet Lena. Baby meet tita Florence. Kung may gusto ka sabihin mo lang sa kanya." Naningkit ang mga mata ni Lena sa pag ngiti saka nag mano kay ate.
"'Ello, tita Florence" May kunot sa noo ni ate.
"Anak namin sya ni Frankie ate. Listen to this" May pagkalito parin kay ate habang pinapanood si Demi. "Sino to baby?" Tanong nya habang nakaturo sakin.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...