Malakas kaming nag high five ni Demi ng matapos i present yung project namin. Nakaka tuwa pang kahit na hindi na kami naka tulog sulit naman lahat ng pagod.
Natuwa kasi yung prof namin at sinabi pang isasama nya yung gawa namin sa mga model house na ipapakita nya sa mga susunod na first years. Para din daw magkaroon ng idea yung iba.
"Makaka kain na ako ng payapa" Bulong ni Demi, napa hikab ako.
"Yeah, kapag talaga tayo ang magka partner di nila kina kaya" Balik ko at naupo dito sa bench na malapit.
Balak naming huminga muna bago kumain ng lunch at sa totoo lang magaan pa ang ulo ko kasi hindi talaga ako naka tulog.
"What if after nito mag partner nalang tayo at mag tayo ng sarili nating business?" Trust her to make ideas out of thin air.
"Call, basta ikaw mag iisip ng mga need gawin" Sagot ko. Siniko nya ako at pag tingin sa kanya naka nguso sya kay Dawn na nasa tapat ng mga nursing students.
Nag ikot ako ng mata ng marinig yung hagikhikan ng mga babae, seconds later lang ng ilabas ni Dawn ang cellphone at kunin ang number nilang lahat.
Kawawang mga nilalang...
"Si Trinity!" Papa daan ang kapatid ni LJ habang tuwid lang na naka tingin sa harapan. May ilan syang libro na yakap sa dibdib.
"Trinity" Tawag ko, napa lingon sya, nanlaki pa ang mga mata nya hanggang sa mapa ngiti sya.
"Hi guys! I'm glad to see you both" Sumiksik ako sa tabi ni Demi para magkaroon ng space si Trinity.
"Hi! Dika na namin nakita" Nag pout sya and by the looks of it. I think she's exhausted.
"Yeah ang daming exams, essay, project yung kailangan kong gawin. Tapos naka tambak pa sa bahay yung librong diko pa nasisimulan basahin" Hinaplos ko ang likuran nya.
"Kaya mo yan wag kang susuko" Sumandal sya sa katawan ko.
"Thanks, most of the time nawawala na nga sa utak ko kung nasaan ako." Hinayaan kolang syang maka hinga para kumalma yung nerves nya.
"Trinity gusto mo sumabay na samin mag lunch?" Tanong ni Demi, ngumiti ng malaki itong isa.
"I would love to, lunch ko narin eh" Balik nya.
Ilang minuto pa kaming nag stay doon at dumaan lang ang mga minutong iyon na puno ng katahimikan till sa mag decide kaming tumayo at pumunta na sa cafeteria.
Naka tulala akong um-order, nag usap naman yung dalawa sa tabi ko hanggang sa maka hanap kami ng mauupuan.
Kumain ako ng tahimik, paminsan minsan lang akong naki sali sa topic nila. Wala narin kasi akong lakas at wala ring tulog kaya drained na ako physically.
"Okay lang mag tanong?" Sabi ni Demi habang busy ngumuya.
"About saan?" Balik ni Trinity, sa palagay ko namana nya kay LJ yung elegance sa pag kilos.
Kasi kami ni Demi sure na mukhang mga ginutom. Sa bilis din ng pag nguya namin malamang na isipin ng iba na takot kaming ma agawan ng pagkain kahit pa wala namang kukuha nito.
"About kay Ms Alvarez" Sheepish smile yung binigay ng kaibigan ko after.
"What do you want to know?"
"Kung paano sya sa bahay? Masungit ba sya? O dito lang yon?" Nakinig ako at sa ngayon nasa kanila na ang buong atensyon ko.
"Mabait si ate although pikon sya most of the time. Pero never syang naging masungit sakin" Pinisil ni Demi ang pisngi nya.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...