Am I dreaming? Nangyari ba talaga lahat ng yon?
Parang dina ako makaka recover from that memory, kahit na ilang araw pa ang lumipas. Matapos magising sa sandaling pag idlip iyon parin ang laman ng utak ko.
Naikuyom ko ang kamay sa kumot ko at pumikit. Bumalik sakin yung pakiramdam ng pagkaka dikit ng balat namin, yung init na nagmumula sa katawan nya pati yung mabangong amoy nya.
Sinapo ko ang dibdib na sumasakit dahil gusto kong yakapin sya sa sandaling ito. I find solace in solitude, isa yon sa pinaka comforting na bagay para sakin. But right now I want her here.
It's getting worse by every seconds ticking by...
Saka ko na alalang kung mag mamadali ako sa pag kilos makikita kona rin sya. Ngayon yung house warming party nila at kahit pa ayaw nya akong makita ngayon wala syang magagawa, tutal invited naman ako.
Tumayo na ako at pumasok sa banyo para maligo. Twenty minutes lang ang itinagal ko sa banyo saka ko pina tuyo ang buhok at nag hanap ng damit sa closet ko.
Naging napaka gulo ng buong kwarto ko dahil kahit na napaka raming pag pipiliian wala akong magustuhan. Saka ko na alala yung red mini dress na ini regalo ni Demi last birthday ko. Revealing ito in a way na medyo decent pa, sinubukan ko itong isuot.
Pag tapat sa salamin nakagat ko ang ibabang labi sa pag hapit ng damit sa katawan ko.
Well it's about time to use my assets to get her attention...
Because I'm not hundred percent sure if she's attracted to me so this dress will help me prove what I think I saw in those eyes.
I've seen lust, madali iyong ma recognize kasi di naman sya yung pinaka unang tao na binigyan ako ng ganoong tingin. Pero sa kanya ko lang ito gustong i appreciate.
Nag apply ako ng make up then naisip kong gamitin yung curling iron sa hanggang balikat na buhok ko. Kakulay ng damit ko ngayon yung lipstick na naisip kong gamitin.
Nang sa palagay ko okay na ang itsura ko bumaba na ako sa salas, naabutan ko si daddy at Dawn na nag uusap. As usual pinayagan ako ni daddy na umalis only if isasama ko si Dawn.
"Let's go" Turan ko, pag tingin nila saking dalawa napa nganga pa si Dawn na ikina ngisi ko.
"Sobrang ganda mo naman anak at dapat bang ganyan ang damit mo?" Medyo may kunot sa noo ni daddy.
"Why? I look good on this" Tumango sya.
"You always look good, kahit na ano pa ang suot mo." Nag pout ako bago sya bumuntong hininga. "Fine but wear a coat, okay?" Ngumiti ako saka ipinakita sa kanya ang sweater na dala ko.
"Daddy always akong prepared. Where's mommy?" Tinuro nya ang kusina, mabilis naman akong tumungo doon para halikan ang mommy ko.
Pagka kita ko sa kanya, nag gigisa sya ng giniling sa kawali."Mommy aalis nako" Humarap sya at nabigla din sa itsura ko.
"Wow you look so beautiful Frances. Are you trying to get someone's attention?" Hinaplos nya pa ang buhok ko, nag init naman ang pisngi ko.
"I'll be home by eleven?" Tumaas ang isang kilay nya. Siguro dahil sa deliberate kong pag iwas sa tanong.
"Yung gamot mo wag mong kakalimutan. Kumain ka at wag mong gawin yung alam mong bawal para sayo." Nag promise ako sa kanya na magpapaka bait para payagan nya ako.
Kasi if it's daddy's decision malamang na malabong palabasin nya ako ng bahay ng ganitong oras at ganito ang suot. Mabuti nalang talaga at sa mga ganitong bagay madaling kausap ang mommy ko.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...