Mabilis akong naligo dahil bago pumunta sa orphanage balak kong bumili ng pagkain para sa mga bata. Halos two weeks ko naring ginagawa ito at pinayagan naman ako ni Ma'am Zen kaya tuwing makikita ko ang mga bata nagdadala na ako ng mga snacks nila.
"Mommy alis nako" Paalam ko ng maabutan sya sa hagdan, hinalikan ko ang pisngi nya.
"Take care Frances, okay?" Ngumiti naman ako.
"Opo, love you" Umalis na sila ate at daddy kaya kay mommy lang ako dapat magpa alam.
Sa ilang araw natuwa si ate na nagawa kong ilipat ang atensyon sa ibang bagay. Sa totoo lang nag donate din sya ng malaking halaga sa orphanage sa sobrang tuwa nya at di nya na akong na aabutan sa gabing umiiyak.
Sinabi nya na healthy para sakin ito at di ako nag kukulong sa kwarto. At sa palagay nya rin tama para sakin na kumikilos kasi mas lalong manghihina ang katawan ko kapag nanatili akong naka higa sa kama.
"Ma'am saan po tayo?" Tanong ni kuya Kiko.
"Umh, sa supermarket po muna" May excitement sa puso ko isipin palang na makikita ko si Lena.
Huminto kami sa harap ng malaking supermarket pagbaba sumama naman sakin si kuya Kiko para dalhin lahat ng pinamili ko. Dumaan din ako sa book store na katabi para bilhan ang mga bata doon ng reading materials at coloring book.
Pag dating may ngiti akong sinalubong ni Ma'am Zen. Na kwento nya pa sakin minsan na di sya maka paniwala na araw araw akong dumadalaw dito. Sinabi ko naman sa kanyang sumasaya akong makita ang mga bata dito.
"Nandyan si LJ ngayon kaya may katulong kang mag turo sa kanila" Napa preno ako sa mabilis na paglalakad ng marinig ang sinabi nya.
"P-Po?" Tumango sya at ngumiti.
"Sya talaga ang nagtuturo sa mga bata at ngayon lang ulit sya naka dalaw dahil sa maraming daw syang inasikaso." Napa hawak ako sa dibdib ng kumirot ito.
Alam kong posible naman talaga kaming mag kita pero hindi ako ready na makita sya ngayon. Nag hyperventilate ako na gumulat kay Ma'am Zen. Hinawakan nya ang braso ko at may pag aalala akong sinuri.
"Okay kalang ba?" Napa hawak ako sa pader at pinilit na tumango.
"Opo, sorry. Okay lang ako" Kahit na mukhang di kumbinsido binigyan nya ako ng space. Seconds later, nag simula na ulit kaming mag lakad.
Lumunok ako pag tapat sa kwarto kung nasaan ang mga bata, diko alam kung paano sya haharapin. Paano nalang kung galit parin sya sakin?
"Kaya mo na ba?" Tanong ulit ng ginang sakin.
"Kaya ko na po. Sige po baka may aasikasuhin pa kayo" May reluctance nya akong iniwan. Kumatok naman ako sa pintuan bago ko ipihit ang seradura.
Pag bukas ko naka upo sila sa malawak na puzzle mat kasama si LJ na tumaas ang isang kilay ng makita ako. Lalo akong kinabahan, kung hindi lang ako mag mumukhang tanga kanina pa ako tumakbo palayo rito. Pero nakita na ako ni Lena na lumiwanag ang mukha.
"Mama! Kanina pa kita hinihintay" Lumuhod ako saka sya binuhat.
"Naging good girl ka ba?" Tanong ko.
"Opo" Ngumiti ako at hinaplos ang buhok nya.
"Bumalik kana doon at mag i-start na yata." For the second time natagpuan ko ang mata ni LJ may pagtatanong sa tingin nya. Pero di ako nag explain.
Alam kong ako lang ang nakaramdam ng awkwardness na makapal sa hangin. LJ, on the other hand, actually aced it by not even acknowledging I'm here.
Natapos nyang pasulatin ang mga bata while pinanood ko sila, nanatili din ako sa tabi ni Lena. Naki supervise lang ako sa mga sinusulat nila at di nag salita.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
Storie d'amoreFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...