Chapter 10

207 18 0
                                    









Seryoso yung pag di discuss nya about sa mga reflection paper na dinagdagan nya nanaman, habang nakikinig lahat ng expression nila ay naging masalimuot.

At sure akong iisa ang itsura ko dahil sa dami kong ipapasa ngayong linggo, wala na sa usap ang matulong ng apat na oras. Swerte pa nga ako kung maka tulog pa ako.

Kahit na sit in lang obligated rin akong mag pasa ng mga essays sa kanya dahil talagang determinado syang pahirapan ako.

"See you guys tomorrow, saka natin pag uusapan yung pina plano nyong outing" Biglang nag turn ng 360 degrees ang mood sa room ng marinig iyon.

Dahil sa malapit ng matapos ang semester nag pla plano ng outing ang psych department at kinu kulit nila si LJ na sumama para naman daw maging worth it ang paghihirap nila. Ilang weeks na nila syang kina kantahan.

Till now, blurry parin ang sagot nya. Noong unang maging topic ito masaya pako pero ngayon diko na gustong makisama pa sa usap nila. Sure din kasi akong impossible na pumayag sya.

Nag tayuan ang lahat ng mag ring ang bell may ilang kumausap sa kanya at naka hinga ako kasi wala akong balak ngayong maiwan dito ng mag isa.

Katulad ng sinabi ko sa kanya last time hihinto na ako at mas maganda pang maaga palang itigil ko na ng tuluyan ang lahat ng katangahan ko.

Pero napapa isip ako kung bakit till now, ilang araw narin ang lumipas pero pumapasok parin ako sa subject nya.

Hindi ba parang contradicting yung sinasabi kong titigil na sa ikinikilos ko? Haist ewan, mababaliw nako.

Tumingala ako sa langit at napa isip, gusto kong mang hingi ng guidance sa Diyos. Gusto ko rin syang tanungin kung bakit nya pa dinala si LJ sa buhay ko.

Nakilala ko ba sya para subukan lahat ng pinaniniwalaan ko? Karagdagan nanaman ba sya doon sa mga naging past girl crushes ko na hanggang doon lang?

Gusto kong mag lupasay kasi ayaw ko na nitong nararamdaman ko pero andito parin yung kakaibang excitement kapag nakikita sya. At dina sya nawala sa utak ko.

"Lord why?!" Itinaas ko pa ang dalawang kamay sa kalangitan.

Napa tingin sakin ang ibang mga estudyante pero wala akong naramdamang hiya. Saka ko napansing wala akong dala, lumaki ang mga mata kong naiwan ko lahat ng gamit ko sa room nya.

"Oh my gulay! Lord sign na ba to?" Sign na ba ito na nawala na ako ng tuluyan sa katinuan ko? Kasi napaka bata ko pa para maging ulyanin.

Niyakap ko muna yung puno ng mangga na madadaanan saka nag decide kung kukunin ko pa yung bag ko, may laptop din iyon pati yung blue print na pinag puyatan namin ni Demi dala ko pala.

"Shit na malagkit. Sana wala na sya doon" Bulong ko sa sarili at humiwalay na sa puno.

Nakaka pag taka na ang bigat ng bag ko pero naka limutan ko pa. Pati na yung blueprint tube, bakit ba kasi sakin pa iyon pinadala ni Demi?

Pagdating sa room sumilip ako sa bintana pero naka harang ang mga kurtina naka lock din ang kwarto. Bumuntong hininga ako.

"Tama ba itong gagawin ko? Baka mamaya ano nanamang isipin nya"

"Pero mapapagalitan ako ni Demi pag diko nai present yung blue print namin mamaya."

After ng ilan pang minuto ng pag iisip,nagkaroon ako ng lakas ng loob na kumatok. Bumukas ang pintuan at pagka kita sakin wala syang naging reaksyon, parang ine expect nya ng babalik ako.

"Kukunin kolang yung gamit ko" Mahinang turan ko saka pumasok at tumakbo doon sa pwestong inuupuan ko kanina.

Naramdaman ko yung init ng mata nya habang iniipon ko lahat ng gamit ko. Nag ririgodon ang puso ko sa ilang segundong naging katahimikan.

Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon