Nag libot kami sa mall habang hinihintay matapos ng restaurant yung big order naming pizza. Till now wala parin sya sa mood pero pinilit ko syang samahan ako sa lahat ng puntahan ko.
Nag hanap ako ng magandang dress para kay Lena pati na doon sa ibang mga batang alaga ko at nasa mahigit kalahating oras akong namili. Diko rin nga inasahan na tatagal ako sa pagpili ng damit. Siguro may energy ako kapag hindi para sakin ang bibilhin.
Pababa sa escalator may nakita akong matanda na maraming bitbit na groceries wala sa sarili kong inabot ang lahat ng hawak ko kay LJ na busy sa cellphone nya. Kinuha ko ang dala ng matanda na ngumiti sakin, pinilit din nitong tumanggi pero ang bigat ng mga dala nya kaya pinilit ko parin syang tulungan.
Pagdating sa may second floor lumitaw ang apo ng matanda na kumuha sakin ng mga bags saka sila nag pasalamat. Ngumiti lang naman ako, pag alis nila sa harapan ko nag close open ako ng ilang ulit dahil ang sakit sa kamay, mas mabigat pa yata sakin ang mga dala nila.
Pag lingon kay LJ umiiling iling sya saka lumakad papunta sa restaurant na kukuhanan namin ng mga pizza. Hindi nya rin ibinalik sakin yung mga dala ko kanina.
Hinintay nya akong mag bayad ng mga pizza saka walang salita nyang binuhat ang lahat. Kahit na ayaw nya lumilitaw na napaka gentle woman nya, palihim kong ikina tawa yon. Pagdating sa kotse ipinag bukas ko sya para maipasok ang lahat ng pinamili namin.
Habang hinihintay sya napa ngiti ako sa batang maliit na parang ka edad lang ni Lena. Naka park kami malapit sa pedestrian lane. Hinintay nilang maging green ang ilaw habang ang nanay nito abala sa kausap sa cellphone.
I guess sa mga segundong iyon ko na realize kung gaano kabilis ang disgrasya, dahil napa pitlag ako sa malakas na busina ng bus. Nanlaki ang mga mata ko ng makita yung batang kanina lang ay nasa kaliwa ko ngayon ay nasa kalsada na.
On instinct akong kumilos, parang may ibang nagpa andar ng katawan ko ng takbuhin ko yung bata, nag slow motion ang bawat segundo ko. Niyakap ko ang bata at pumikit habang hinihintay yung pwedeng maging impact. Naitukod ko pa ang kanang kamay ko sa aspalto.
Dumilat ako ng marinig yung pagtama ng bus sa naka paradang kotse sa tabi. Pinilit kasi ng driver na iwasan ang bata pero alam kong kung di ako tumakbo malaki ang possibility na mahagip sya. Bumalik ang pag galaw ng oras ng pumalahaw ang bata, maraming tao din ang tumakbo papunta samin kasama na doon yung nanay ng bata na umiiyak.
Namanhid ang pakiramdam ko hanggang sa may humawak sa magkabilang balikat ko. Sinalubong ako ng nag aalalang mukha ni LJ at sinusuri ang buong katawan ko.
"Fuck! Can you stand?" Tanong nya.
"I think so" Wala sa sariling sagot ko.
"Salamat po, pasensya napo kayo." Paulit ulit na turan ng babae sakin, ngumiti lang naman ako.
Hanggang sa maramdaman ko yung hapdi ng palad ko pati na ng tuhod ko. Pag tingin doon malaki ang gasgas ng balat ko na malakas ng dumudugo habang parang napilay pa ang kamay ko. Napa hiyaw ako ng subukan kong iikot ang wrist ko.
Wala akong nagawa ng buhatin ako ni LJ, may init na pumuno sa puso ko habang pinagmamasdan yung pag aalala sa mukha nya. Naging malabo ang paligid namin dahil sya lang ang nakikita ko ngayon.
Dinala nya kaagad ako sa hospital, nagulat pa nga ako ng makitang kasama namin yung bata at ang nanay nito. Lubos lubos ang pag hingi nito ng tawad at pagpapa salamat. Si LJ sa tabi ko nakita ko yung ugat sa may noo nya na parang puputok na sa inis.
Pag hinto sa hospital gaya ng ina asahan na pilayan nga ako at malaki ang naging sugat ko sa tuhod pero diko alam kung bakit di ganoon kasakit. Kasi masaya akong ligtas ang bata at hindi naman naging ganoon ka severe ang nangyari sakin kung titignan.
![](https://img.wattpad.com/cover/347000332-288-k637804.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomantizmFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...