Chapter 7

213 15 1
                                    







Pag pasok ng araw na ito maaga pa pero sumasakit na ang ulo ko. dahil lahat ng estudyante mukhang aware sa nangyari about doong sa shooting incident ng kotse ni Daddy. Ilang araw na yon pero fresh parin sa kanila at ayoko mang isiping pero siguradong ako ang topic of conversation nila.

Saan man ako madako may matang naka sunod sakin at daig pa nila ang mga bubuyog sa mga bulong na naririnig ko.

Nag lakad ako papunta sa kwarto ni LJ kagandahan na wala yung prof ko for next class, isa sa pinaka hinihintay kong pagkakataon ay ang makita sya. Kasi gumagaan ang lahat kapag nakikita ko sya.

"Kamusta binibini?" Kumunot noo ako.

"Dawn? What are you doing here?"NIlibot ko ang tingin at dinala sya sa pinaka sulok ng kwarto.

"Shh chill,cover ko ito" Hinilot ko ang sentido.

Sa totoo lang ito ang numero unong rason at sumasakit ang ulo ko. Dahil sa sobrang worried ni daddy na baka mamaya bigla nalang daw akong tambangan ng kung sinong may kagagawan nung nangyari sa kotse nya.

Nag decide silang bigyan ako ng bodyguard at pagka rinig na pagkarinig ko non, matindi ang naging pag tutol ko. Because it's one thing to install cameras in my room now they want someone following me around 24/7?

Pero kahit na si ate Florence um-agree na bigyan ako ng guard, natakot kasi sila ng sobra at ang nakaka galit lang yung taong may kagagawan nito tiyak na tuwang tuwa dahil sa mga reaksyon nila.

Ngayon kahit pa anong tutol ko kumuha sila ng bodyguard na bubuntot sakin, so ultimo sa pag pasok ko sa banyo may magbabantay sakin.

"What are you doing here?" Ulit ko, nag kibit balikat sya.

"Binabantayan ka, diba obvious? Magpapanggap daw ako as one of the students para din di mahalata ng iba" Diko alam kung anong dapat sabihin.

"Kailangan pa ba yon? Diba pwedeng mag masid ka nalang? Bakit kailangan sumama kapa sakin dito?" Naupo ako sa pwestong pinaka malapit sa desk ni LJ,nanghihina ako sa kinalalagyan kong sitwasyon ngayon.

"Diko rin alam basta nautusan lang ako. Don't worry, di naman kita aabalahin, pretend you didn't see me. Para din maging comfortable ka" Naka ngiting turan nya saka ako iniwan, umokupa sya ng bangkuan sa parteng medyo malayo sakin.

Naka hinga naman ako na hindi sya sakit ng ulo kahit pa alam kong lahat ng ginagawa nya ngayon ay utos ng daddy ko. Natahimik na ako at hinintay na mag simula ang klase.

Dumating si LJ ilang minuto bago ako tuluyang antukin, kaagad naman syang nag simula sa discussion. Tahimik lang naman akong nakinig saka ko naisip na kung meron akong buntot ngayon hindi ako pwedeng tumagal para kulitin si LJ.

Kasi sure na lahat ng gagawin ko makakarating kay daddy, baka nga ultimo kakainin ko ng lunch sabihin sa kanya ni Dawn. Napa buntong hininga ako at lalong nawalan ng ganang kumilos.

Pinanood ko si LJ gumalaw at mag salita. Napasok nanaman ako sa mundo na kami lang dalawa kaya at that moment nawala yung lahat ng iniisip ko.

Alam kong hindi nya sadya pero na hi hypnotized ako sa bawat kilos na nililikha nya. On alert ang senses ko kapag nasa malapit na sya at nagkaka gulo ang lamang loob ko kapag may time na magtatagpo ang mga mata namin.

Kung pwede lang, nanaisin kong manatili nalang dito. Because when she's near it feels like life is easy. Napa ngiti ako, but like what they say time flies when you're having fun.

Ganoon kabilis natapos yung mahigit dalawang oras pati yung break diko naramdaman.

"Be ready for tomorrow's exam" Umungol in chorus ang mga estudyanteng palabas.

Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon