Chapter 16

154 14 0
                                    

"Daddy okay lang ba kung kami nalang nila Demi ang lumabas, nandoon din naman si Ace eh" Sa linggong ito ilang beses na akong nag paalam kung pwede kong di isama si Dawn sa magiging dinner ng psychology department.

As much as possible nililimitahan ko na ang pagkikita nila ni LJ lalo pa't mukhang di sila comfortable sa isa't isa.

Nakakapagka na nung unang mga linggo maayos naman silang dalawa, nag kwe kwentuhan nga sila ng di ako kasama eh, pagkatapos ngayon naman natatakot akong baka bigla nalang silang mag away.

"Frances I already told you na di pwedeng wala kang bantay at trained si Dawn para gawin yon." Ilang beses nya naring sagot sakin.

"Fine, whatever" Iniwan ko sya sa dyaryo at kape nya. Sinawaan na ako, yun at yun rin naman ang sagot nya.

Nahanap ko si mommy sa salas na tuwing free time nya tinutulungan nya si ate na iayos yung ibang preparation sa engagement party. Na nitong darating na saturday na kaya mas lalong di maka usap ng matino ang ate ko.

Sana lang talaga dina ma postponed....

"What do you think of this?" Tanong ni mommy ng ipakita sakin yung ilang seconds na clip mula sa prenup video ni ate.

For a moment nakalimutan ko ang iniisip ng makita kung gaano kasaya si ate. Kasi kahit medyo stress nangingibabaw parin yung tuwa sa mata nya everytime na titingin kay Eugene. And honestly iba rin yung pagmamahal na mababasa sa mata ng lalaki kapag natagpuan na nya si ate.

Kaya broken hearted man ako para kay ate Crystal at gusto ko mang sya ang piliin ni ate. Parehas kaming walang choice kung obvious namang mahal na mahal nya ang lalaking iyon.

"They look good together, mom" Komento ko, ngumiti at tumango sya.

"Talagang napaka husay ni Cecilia ano?" Nag kibit balikat ako. Hindi ko sure kung talented ba talaga si Cece. But I didn't question my mom.

"Nasan si ate?" Itinuro nya ang kusina.

Tumayo ako at iniwan sya, tanghali pa ang oras ng pasok nila and sa ngayon wala na akong classes, Napaka boring na diko na pwedeng makita si LJ araw araw.

Inabutan ko si ate na nag pre prepare ng tsaa ng matanaw ako dalawang tasa na ang kinuha nya. Mukhang bad move pa na pinuntahan ko sya.

"Wala kayong appointment ni Eugene ngayon?" Usisa ko.

"For the week, tapos na. Kaya makaka hinga ako ng maayos" Siguro ilang minuto lang din iyon kasi engagement party na nila sa isang araw.

"Ready kana sa party nyo?" Tumango sya at ipinatong ang tsaa sa harapan ko.

"I'm praying na maging successful at di magparamdam yung fans ni daddy" Ang tinu tukoy nya ay yung mga nagpapa dala ng death threats.

"Marami ka namang kinuhang security, diba?" Tanong ko bago humigop, nalukot ang ilong ko sa lasa.

"Oo pero di rin nila gaanong ma che check ang lahat dahil di naman naka lista yung plus one ng iba" Hindi ko alam kung paano makaka tulong, labas din kasi sa expertise ko ito.

Well ang tamang tanong,ano ba ang expertise ko?

"Edi mag log nalang lahat ng papasok. Or magpa kalat ka ng videographer at photographer at utusan mo sila na lahat ng papasok sa loob kuhanan nila ng litrato. In a subtle manner, of course" Tumango sya.

"Naisip narin naman namin iyon. Pero paano kung sa ibang daan sila pumasok?" Nag isip nanaman ako.

"Edi make sure na isa lang ang entrance at exit. Ikaw ng bahala kung paano gagawin yon. Saka ate most of them naman family friend kaya I doubt it kung may magsasama doon ng di natin kakilala" Bumuntong hininga sya at sandaling natulala. Makikita yung pagod sa kanya.

Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon