Chapter 28

170 18 3
                                    

People who fight fire with fire usually end up with ashes-


--






"Pumayag po si mommy kasi sinabi kona gusto kong makita yung performance nila bago nila i perform. Saka fully healed napo ako." Dahil bago yung araw ng anniversary ng orphanage binalitaan ako ni Ma'am Zen na bumuo ng grupo si LJ na mag pe-perform para sa mga guest.

"Mabuti at dumating ka, kulang na kulang ngayon ang tao. Hindi rin makaka punta ngayon si LJ kaya walang mag su-supervise sa mga bata." Nag taka ako na kung kailan malapit na ang party saka wala si LJ.

"May aasikasuhin daw po ba sya?" Umiling ito saka gumuhit ang concern sa mukha.

"Nilalagnat sya nung isang araw pa dahil nung mag-ayos sa labas naulanan sya. Kinabukasan may sinat na sya pero iyon at tumulong parin dito. Nag aalala nga ako eh, napaka sipag pa naman ng dalagang iyon. Kaya ngayon pinayuhan ko syang magpa galing na muna." Nag bloom yung concern sa puso ko na halos pumuno sa dibdib ko.

Na-kwento sakin ni Trinity kahapo na may pupuntahan syang camping trip kasama yung tito nya so maiiwang mag-isa si LJ sa bahay nila. Wala syang kasama, sinong mag aalaga sa kanya? 

Napa lunok ako while papunta sa kwarto ng mga bata. Kahit na iniwan ako ni LJ last last week, diko naman kayang isantabi na may sakit sya ngayon at malamang ay mag isa lang.



"Lena you're the best" Puri ko after makita yung solo nya,dahil kahit nabubulol, she can deliver her lines perfectly. Nakabisa nya rin ito kahit na may kahabaan.

"Fenk you mama" Pinisil ko ang pisngi nya.

Lunch na ng maisip kong tawagan si Trinity habang pinapanood ko yung mga batang mag kulay sa puzzle mat pumasok sa utak kong tawagan sya para mapanatag na ako sa lagay ni LJ.

"Hey Frankie"

"Trin hi, tanong kolang kung ayos na si LJ?" Sa madalas na panghihimasok ko sa lagay ni LJ alam kong sanay na sya sakin.

"Huh? May nangyari ba kay ate? I talked to her earlier, she's fine lang naman. Ang daming ahas at kung anu ano dito." Naguluhan ako. Paano kung di alam ni Trinity na may sakit si LJ? Kasi nga napaka stubborn ng babaeng iyon.

"Ganun ba? Gusto ko lang maka sigurado. Be safe ha,Trin. Patay ka kay Demi pag umuwi kang may galos." Naging high pitch yung tawa nya.

"Naka usap korin sya kanina. Ilang beses nya ring tinanong kung may mosquito repellent daw ba ako. She also threatened me not to bring her any bugs" Napa ngiti ako. Nakipag usap pa ako at may time pa raw sya then later on nag ba-bye na sya.

The day went by fast and when the clock strike's four,nag paalam na ako kay ma'am Zen at Lena. Nung tanungin ako ni kuya Kiko kung uuwi na kami binigay ko sa kanya ang address ni LJ. On the way bumili rin ako ng mga prutas at pwedeng dinner.

Pag tapat sa bahay nila huminga muna ako ng ilang ulit, nag ipon ako ng lakas while nanonood si kuya Kiko sa loob ng kotse. Ilang beses ko na syang sinabihan na mauna na sya pero sinabi nya hihintayin nya muna akong maka pasok.

Pinindot ko ang doorbell at naisip na paano kung magalit sya at mag isip nanaman ng kung anu ano. Magtatalo nanaman ba kami? Mas naghari ang pag aalala ko na baka mamaya walang nagpapa-alala sa kanya na uminom ng gamot.

Kaya ilang beses ko ulit pinindot ang doorbell pero walang nag bukas ng tarangkahan. Napa kunot noo ako. Paano nalang kung may nangyari na sa kanya sa loob? Lalong akong inatake ng pag-aalala.

Sinubukan ko syang tawagan pero di sya sumasagot,kaya nag doorbell ulit ako. Naka hinga lang ako ng bumukas ang pintuan, ang sumalubong sakin ay ang namumulang ilong nya habang may hazy look ang mga mata.

Love Her To The Point of Madness (wlw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon