"Wow, ate you are gorgeous" I told her specially when I saw her dress's plunging neckline.
"Yeah, maglalaway si ate Crystal." Dugtong ni Demi habang naka higa sa kama ni ate Florence.
"Tumayo ka nga dyan, malulukot yang damit mo." Reprimand naman ni ate.
"Psh ate walang makaka pansin samin dahil dyan sa cleavage mo." Mahinang natawa si ate.
"Pangit ba? Mapapagalitan bako dito?" Iyon ang diko alam. May times kasi na conservative sila daddy.
"Sana hindi kasi sayang. You're so beautiful ate." May appreciation ang ngiting ibinigay nya.
"Salamat Frankie but so are you" Nag "ehem" si Demi na di talaga papatalo. "Pati ikaw Demi, Lahat tayo maganda" Humalakhak ang kaibigan ko.
"Neeeemen, let's go dina ako makapag intay sa magiging itsura ni ate Crystal." Naging somber ang expression ni ate sa narinig.
"Frankie promise me one thing. Pati ikaw Demi" Sa seriousness nya napa tayo si Demi sa pagkaka higa.
"What is it ate?" Huminga sya ng malalim.
"Make sure she's okay. Kasi diko rin alam kung anong gagawin lalo pa't pupunta parin sya kahit na ilang beses ko ng sinabi na wag nalang. Wag nyo syang iiwan." Kahit na dapat masaya ang araw na ito nakaramdam parin ako ng lungkot.
"Malaki na si ate Crystal and she doesn't need us to coddle her. Maybe it'll help her to see you with Eugene. Kasi masaya ka naman, we all know na mabuting tao si Eugene." May luhang kumislap sa mga mata ni ate.
"Yeah, but I don't want to lose her" Hinaplos ko ang likuran nya.
"You will not. Si ate Crustal ang pinag uusapan natin. Hindi sya ganon. Maybe she'll distance herself but she'll never leave you,ate. Mahal ka nya." Pina kalma namin sya till sa kahit paano gumaan ang pakiramdam nya.
Bumaba kami at pagkakita kay ate nag liwanag ang mukha ni mommy at daddy. Ibang adoration at pagmamahal ang nakikita ko na nagpa init pa ng mata ko.
Nag family hug kami seconds after na kasama si Demi kasi di sya papayag na di sya kasali. Sa limousine nagpa ramdam nanaman yung kaba ni ate, kagandahan lang na nandito na sila daddy para pakalmahin sya.
Ilang minuto lang naman ng pumarada kami sa harapan ng hotel, naunang bumaba si daddy at na bigla ako ng mag flash yung mga camera. Hindi ko alam kung anong rason at may media dito, di naman kami sikat sa pagkaka tanda ko.
"Why are they here mom?" Bulong ko kay mommy ng yumakap ako sa braso nya. "Demi what the heck?" Tawag ko sa kanya ng mag pose pa sya sa mga camera.
"Sorry! I got carried away." I just shake my head.
"Your dad invited them because he's worried that something might happen." Hindi ko na sya kailangan pang patapusin para ma gets kung anong ibig sabihin nito.
"He thinks that whoever's behind the shooting incident will back off. Sa tingin nya matatakot yon sa mga reporters?" Tumango si mommy.
Huminga ako ng malalim dahil natakot ako sa pwedeng mangyari ngayon. Ayoko ring masayang yung lahat ng pinag paguran ni ate lalo na't ilang buwan narin since iplano nya ito. At sa lahat ng stress deserve nya rin naman ang maging masaya.
Nag ring ang cellphone ko sa clutch bag na hawak. Sinilip ko iyon, nakita ko ang pangalan ni LJ. Nawala yung pag aalala ko ng mapa ngiti.
Hindi ko sya nasagot dahil pababa narin kami ng elevator at simula na ang palabas. I just decided to send her a quick message then i put my cellphone on vibrate. Inalalayan ni daddy si ate na sa ngayon dina makikitaan ng kahit konting trace ng kaba.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...