"For those who don't know, Psychology is the scientific study of mind and behaviour. The word "psychology" comes from the Greek words "psyche," meaning life, and "logos," meaning explanation. " Pointed yung tingin nya sakin kaya alam kong para sakin yon.
Pangalawang sit in ko na ito pero nakakapag taka na ngayon nya palang naisip na i explained yung meaning ng psychology.
Last session kasi wala akong na gets kahit na isa sa mga pinagsasabi nya pero nag take down notes parin ako para mas maintindihan.
Pumunta sya sa board at nag sulat, mukhang wala nanaman akong maiintindihan.
"Philosophy of Lust"
-Do you believe in love at first sight?Ang isinulat nya. Goodness pati penmanship nya sexy. Nahampas ko ang noo ng maisip yon.
"What is lust in tagalog?" Nilibot nya ang tingin, dina ako nagulat ng ituro nya ako kahit pa lahat sila naka taas ang kamay. "Frances ano ang lust sa tagalog?" Nag init ako sa kinauupuan ko.
"Pagnanasa?" Sumandal sya sa mesa nya.
"Are you asking me?" Mukhang crush nya talaga ako, hilig nya akong pag trip-an eh.
"No ma'am, pagnanasa ang sagot ko" Tumango sya.
"Sino ang naniniwala na posible ang love at first sight?" Doon nag taas ako ng kamay at sa amin ako lang ang gumawa noon. May hiya kong ibinaba ang kamay.
"Melanie what do you believe then?" Tanong nya sa babae sa parteng likod.
Alam kong isa si Melanie sa may crush sa kanya. Tuwing papasok kasi si Ms Alvarez sinusundo nya pa sa office at nag pri prisinta sya sa pagbubuhat ng bag nito.
"Kasi let's be real,love is something serious and pure. Lusting on someone on the first glance is most common" May mga um-agree.
"Kung ganoon ka, di meaning non impossible na ang ma love at first sight" Sinamaan ako ng tingin ni Melanie sa comment ko.
"Okay Frances how can you defend what you believe? Hindi ba pagnanasa naman talaga ang nauuna? Kasi through time and hanggang sa makilala mo yung taong iyon doon mo lang masasabing pagmamahal ang nararamdaman mo" Naupo ako ng tuwid at sandali syang pinagmasdan.
Pagdating sa babaeng ito parang wala akong makitang pangit na anggulo. May ganoon ba? Dahil ngayon habang pinagmamasdan sya unti unti na syang nagliliwanag sa mga mata ko.
Naka dark blue short sleeves polo sya na naka tuck in sa maroon na pencil skirt. The color tone compliments her ivory skin, perfectly.
"Pagnanasa lang ba kung gusto mo syang makilala? I mean like you want to learn everything about him or her. The feeling like the world around you change it's axis. And the things you don't know all of a sudden made sense." Nag lakad sya palapit.
"Well we have ourselves a romantic" Nag tawanan ang iba, nag init naman ang mukha ko.
"But isn't that just lust driving your emotions? Tell me na inlove kana ba Frances?" When I didn't answer nag proceed sya sa iba. "Sino ng na inlove dito?"May ilang nag taas ng kamay.
Bumagsak ang braso ko kasi oo dipa nga ako na i inlove pero di ibig sabihin noon bawal nako maniwala sa love at first sight.
Nag pout ako habang pina panood sya mag discuss. Eh ano kung ako lang sa kwartong ito ang naniniwala na pwede ka ngang ma love at first. It doesn't mean I'm a less of a person.
Saka siguro mga manyak sila kaya ang iniisip lang nila palagi sa unang pagkikita ay yung pagnanasa.
I sat there sulking and decided to just listen. Pakiramdam ko lahat din kasi ng sinasabi ko mali at ginagawa nilang katatawanan.
BINABASA MO ANG
Love Her To The Point of Madness (wlw)
RomanceFrankie lives life to the fullest; she doesn't dream big and expect big from anyone. Dahil bata palang na diagnosed na sya with heart disease. Sa lahat kasi ng ipapamana sa kanya ay talagang yung sakit pa. So she likes to think she lives in the mome...